Teksto ng Pangaral: MATEO 24:36-42

Similar documents
I PEDRO 3:15. Ang Teksto ng Sermon: I Pedro 3:15. Rev. D. Kleyn, PRCA Missionary

Rev. D. Kleyn, PRCA Missionary. Ang Teksto ng Sermon: I Corinto 15:55-57 Ang Pagbasa ng Kasulatan: I Corinto 15:35-58

Rev. D. Kleyn, PRCA Missionary. Mga Araw ng Panginoon 29 ng Katekismong Heidelberg Ang Pagbasa ng Kasulatan: Mateo 26:17-30

Protestant Reformed Missions in the Philippines

Scripture Reading: Mga Roma 3 Psalter Numbers: 411, 114, 378, 69, 196

Psalm 139:17-18 MGA AWIT 139: Rev. D. Kleyn, PRCA Missionary

II Corinto 5:10. FACING THE FINAL JUDGMENT I. The Great Judgment Day II. Our Comfort Concerning It

Panimula 1. Minsan ba ay pinangarap mong maging artista o kaya ay pulitiko? Bakit?

II CORINTO 5:7. Rev. D. Kleyn, PRCA Missionary. Pagbasa sa Kasulatan: II Corinto 4:17-5:10 Psalter Numbers: 71, 322, 51, 87, 196

Rev. D. Kleyn, PRCA Missionary. Mga Araw ng Panginoon ng Katekismong Heidelberg Ang Pagbasa ng Kasulatan: Mga Gawa 16:14-34

All Of Grace Protestant Reformed Fellowship in Gabaldon

Protestant Reformed Missions in the Philippines

All of Grace Protestant Reformed Fellowship Rev. R. Smit, Missionary - Bagong Sicat, Gabaldon, Nueva Ecija - 8 July 2012

- ALL OF GRACE PROTESTANT REFORMED FELLOWSHIP - Rev. R. Smit, PRCA Missionary - Bagong Sikat, Gabaldon, Nueva Ecija - 6 January 2013.

Araw ng Panginoon 45 ng Katekismong Heidelberg Scripture Reading: Awit 55

Protestant Reformed Missions

Katekismong Heidelberg, Araw ng Panginoon 6a (II Peter 3)

GENESIS 50:20 Pagbasa ng Kasulatan: Genesis 37:12-36, 50:14-21

All of Grace Protestant Reformed Fellowship Gabaldon, Nueva Ecija 25 SEPTEMBER 2011

All of Grace Protestant Reformed Fellowship Gabaldon, Nueva Ecija 22 April 2012 Genesis 1:20-25

Teksto ng Pangaral: MATEO 28:5-8

Rev. D. Kleyn, PRCA Missionary. Araw ng Panginoon 21 (T&S 55) ng Katekismong Heidelberg Ang Pagbasa ng Kasulatan: Mga Taga-Roma 12:1-16

JUDGES 2:10. Isang Henerasyon Na Hindi Kilala Si Jehovah I. Ang Kahulugan II. Ang Dahilan III. Ang Kahalagahan

JOB 2:9-10. Ang Teksto ng Sermon: Job 2:9-10. Rev. D. Kleyn, PRCA Missionary

Protestant Reformed Missions In The Philippines

All of Grace Protestant Reformed Fellowship Gabaldon, Nueva Ecija 22 January 2012

Genesis 7: All of Grace Protestant Reformed Fellowship Rev. R. Smit, Missionary - Bagong Sikat, Gabaldon, Nueva Ecija - 3 February 2013

LUCAS 9:61-62 LUKE 9:61-62

Next to the birth of Jesus in December, Holy Week is next in terms of solemnity and rituals or practices on the part of observers and believers.

Christ the Healer International Fellowship

All of Grace Protestant Reformed Fellowship Rev. R. Smit, Missionary - Bagong Sicat, Gabaldon, Nueva Ecija - 8 July 2012

HOPING IN GOD FROM GENERATION TO GENERATION Building Households of Faith in Our Church

You Must Be Born Again

Part 54: Hearts Burning (Luke 24:13-35)

Ang Pagbasa ng Kasulatan: Awit 104:1-24

The Path of True Happiness

Part 44: Prophet, Priest and King (Luke 19:28-48)

Investment (Luke 19:11-27)

Alone with God in Prayer

Katekismong Heidelberg, Araw ng Panginoon 4 (Mark 9:30ff)

BLESSED SONS OF ABRAHAM

Part 17: Disciple (9:18-36) December 1, 2013

GRACECOMM PRIMER. Baliwag Bible Christian Church. treasuringchrist

ABIDE IN ME - JESUS FRUITLESS CHRISTIANS?

THE PRESS FOR HELP PROJECT Concept, program and working paper of Emmanuel Mario B Santos and his Marc Guerrero Communications Inc.

Ang Mga Biyaya ng Pag-aayuno [Tagalog] Reviewed by: Salamodin D. Kasim

MY LAST SOAR MY LAST HURRAH IN THE SKY

Nagpapasalamat ako na matipong

Ang Limang Haligi ng Islam Ni: Ahmad J. Salas / PLPHP - ISCAG Philippines

10 ABRIL 2016 IKA- 3 LINGGO NG PASKO NG MULING PAGKABUHAY - K PUTI. +Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan (Jn 21:1-19)

Arman Ali Ghodsinia. College of Science and Pagmamalasakit

Doktrina at mga Tipan at Kasaysayan ng Simbahan. Gabay sa Pag-aaral ng Miyembro ng Klase

3/1/2014. Paano natin masasabing siya na ang The One?

A Candle for HOPE Honest, Orderly and Peaceful Elections Liturgy / Prayer Component

literary section poems

Aklat ni Mormon. Gabay sa Pag-aaral ng Miyembro ng Klase

Mashāri'ul Ashwāq ilā Masāri'ul Ushāq wa Muthīr Al-Gharām ilā Dārus Salām. Ni Shaykh Abī Zakariyyah Al-Dimashqī Al-Dimyatī "IBN NUHĀS"

Trends, Practices, and Perspectives in Values and Religious Education. +Pablo Virgilio S. David

Muhammad. Ang Sugo ng Allah. Ni Dr. Abd Ar-Rahman bin Abd Al-Kareem Ash-Sheha. Isinalin sa Wikang Pilipino nina:

PINAGKALOOBAN MULA SA KAITASAN

PAGHAHANDA SA PAGPASOK SA BANAL NA TEMPLO

Ang Sakramento. Naghihintay sa atin ang. Mga Balita Dateline Philippines MENSAHE NG AREA PRESIDENCY

WISHING YOU A JOYFUL AND PEACEFUL NEW YEAR 2009! MANIGONG AT MAPAYAPANG BAGONG TAON

COMMISSION ON LITURGY AND POPULAR RELIGIOSITY

Complete the following statement: one of the most embarrassing moments of my life was when... 1) Form the core of your NCD Implementation Team

The Filipino CATHOLIC. VOL. 16, NO.11 Spreading the Good News June 13 - July Santakrusan& Flores de Mayo. Sa New York

Mga Turo ng mga Pangulo ng Simbahan. Joseph Fielding Smith

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN WILFORD WOODRUFF

Mga Turo ng mga Pangulo ng Simbahan. Ezra Taft Benson

LESSONS ON THE UCCP STATEMENT OF FAITH A Sunday School Guide for Youth

Good Morning brothers and sisters in Christ. Welcome to the Filipino Catholic Mission of Montreal.

... Nais Kong Yumakap sa Islam Nguni t א W א. Omar Al-Hafiz

(This book is available in

MUHAMMAD SUGO SA SANGKATAUHAN

Judges 1:2 Yahweh answered the Israelites, The tribe of Judah will go. I'll cause the men of Judah to defeat the Canaanites.

Islamikong Kaugalian Ukol sa Bagong Silang na Bata Mula Pagsilang Hanggang sa Paglaki

دليل احلاج والمعتمر GABAY NG HAJJI AT MU TAMIR فلبيني. Committee of Islamic books distribution for Hujjaj and Mutamir

Keynote Address of Bishop Ambo David at the CEAP National Convention Oct. 3, 2018 SMX Convention Center, Pasay City

First Quarter 2017 Social Weather Survey: 48% of Filipino adults attend religious services weekly; 85% said religion is important

Sa Ngalan ng Allah Ang Pinakamaawain at Pinakamahabagin. At itakda ang pagdarasal sa magkabilang dulo ng maghapon at

CATHOLIC PATEROS, NJ. The Filipino. San Roque & Santa Martha devotees recreate beloved Philippine tradition

Kapatiran Sa Islam MGA NILALAMAN. Mga Panitik na Ginamit.. Pambungad 1 2 Panimula. 3 6 Mga Tungkulin at Karapatan sa Islamikong Kapatiran 7 19

2000 ABA GINOONG MARIA

LABBAYKA ALLAHUMMA AN (FULAN).

Mga Mobile Device sa Sacrament Meeting? p. 26 Ang Susunod na Ordenansa na Kailangan Ninyo, p. 18 Ang mga Layunin ng Diyos ay Hindi Mabibigo, p.

Ang Aklat ni Mormon. gabay sa pag-aaral ng estudyante

11 DISYEMBRE 2016 IKA-3 LINGGO NG ADBIYENTO - A ROSAS

A Case Study on Christian Political Engagement

EASTER VIGIL MASS - Holy Saturday, March 26, :00 p.m. Liturgy of the Word. 1st Reading (Gn 1: )

THE LORD S HARVESTERS

2And the earth was without form, and void; and darkness was upon the face of the deep. And the Spirit of God moved upon the face of the waters.

Serving our community. Saint Ann Church 2302 Riverdale Ave Los Angeles, CA Office:

AngTinig. Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

YEAR XII NO. 3 OFFICIAL NEWSPAPER OF THE ARCHDIOCESE OF LIPA

MESOPOTAMIA. Ang Unang Kabihasnan

Leaders' Empowerment and Discipleship APR-JUN

Mga Pangunahing Paniniwala Sa Islam

Tunay na Pagsasaksi (o, Ngayong Natagpuan Ko ang Islam, Ano ang Gagawin Ko Rito? )

God Given Songs. Vol. 4. Have a Blessed Happy Birthday! I Don t Want the Glory from Anybody. There s a Song in My Heart. Be Perfect Like God

Instruction Meaning In Tagalog Of Indeed Sa >>>CLICK HERE<<<

Transcription:

Protestant Reformed Missions in the Philippines [Rev. D. Kleyn, Missionary of the PRCA] Teksto ng Pangaral: MATEO 24:36-42 Introduction: 1. In this chapter (Matthew 24), Jesus Christ teaches us about the end of time. a. By faith, we believe what He says that He will return one day to bring everything to an end. b. We believe this life and this world will not continue forever. The end of all things is coming. 2. Some people claim they can accurately predict when that day is. a. Recently a man named Harold Camping did this. He said: The end will come on May 21. He also said: The Bible guarantees it! b. Many believed that he was right. But the end did not come on May 21. Harold Camping, and all his followers, were wrong. 3. In Matthew 24, Christ says especially two things concerning such predictions. a. First, He states that anyone who makes these predictions is a false prophet verses 23-24. b. Second, He states that anyone who makes these predictions will be wrong verse 36. 4. We might sometimes wish we could know the date of the end of the world. a. In fact, even Jesus disciples wanted to know this. They asked Him to tell them Matthew 24:3. b. But our text tells us that no one can know. The date of the end is a secret. God has not told anyone. c. And there is an important reason (as we will see) why God does not tell us the day or hour of the end. The Unknown Day Of Christ s Return I. The Unknown Day Of The End II. Christ s Unexpected Return III. Our Calling To Watch I. The Unknown Day Of The End A. We know the end is coming. We know what will happen when it comes. Panimula: 1. Sa kapitulong ito (Mateo 24), itinuturo sa atin ni Jesus ang tungkol sa wakas ng panahon. a. Sa pamamagitan ng pananampalataya, naniniwala tayo sa Kanyang sinabi na Siya y babalik isang araw upang wakasan ang lahat ng bagay. b. Naniniwala tayo na ang buhay na ito at ang mundong ito ay hindi magpapatuloy magpakailan man. Ang wakas ng lahat ng bagay ay darating. 2. Ang ilang tao ay nag-aangkin na kaya nilang hulaan ng eksakto kung kalian ang araw na iyon. a. Kamakailan ang isang lalaking nagngangalang Harold Camping ay ginawa ito. Ang wakas ay darating sa Mayo 21. Sinabi rin niya na: Tinitiyak ito ng Biblia! b. Maraming naniwala na tama siya. Subalit hindi dumating ang wakas noong Mayo 21. Si Harold Camping, at lahat ng tagasunod niya, ay mali. 3. Sa Mateo 24, sinasabi ni Jesus ang dalawang bagay tungkol sa gayong mga hula. a. Una, sinasabi Niya na sinumang gumagawa ng ganitong hula ay isang bulaang propeta talatang 23-24. b. Pangalawa, sinasabi Niya na sinumang gumagawa ng ganitong hula ay mamamali talatang 36. 4. Kung minsan hinihiling natin na malaman ang petsa ng wakas ng sanlibutan. a. Sa katunayan, maging ang mga alagad ni Jesus ay nais din itong malaman. Hiniling nila sa Kanya sa sabihin sa kanila Mateo 24:3. b. Subalit sinasabi ng ating teksto na walang nakakaalam. Ang petsa ng wakas ay lihim. Hindi sinabi ng Dios kahit kanino. c. At mayroong mahalagang dahilan (na makikita natin) kung bakit hindi sinabi ng Dios sa atin ang araw o oras ng wakas. Ang Hindi Nalalamang Araw Ng Pagbalik Ni Cristo I. Ang Hindi Nalalamang Araw ng Wakas II. Ang Hindi Inaasahang Pagbabalik Ni Cristo III. Ang Tawag Sa Atin Upang Magbantay I. Ang Hindi Nalalamang Araw ng Wakas A. Alam nating ang wakas ay darating. Alam natin ang mangyayari kapag ito y dumating. Page 1 of 8

1. But there is one thing we do not know we do not know when exactly the end will be. a. We might sometimes wonder: Will it be in 50 years? Or in 10 years? Or in 2 years? Will it come in 2011? Will it happen during my own lifetime on earth? b. But with regard to all these questions, our text says: There is no answer! For no one knows the day, or the hour (or even the year) of the end! 2. God Himself knows, of course. a. God is not sitting around waiting to decide when to bring everything to an end. (1) God has planned the day in His eternal counsel. He has decided on a specific time. (2) The end will not come any sooner or any later than that. Nothing will change it either. b. But God has not told anyone else. Therefore, He alone knows the day and hour (and month and year and decade and century) when Jesus Christ will return and bring everything to an end. 3. Even if we would like to know, we must not want to know. We must be satisfied with the fact that God is the only one Who knows. We must not want to know more than the Bible tells us. B. It is striking to notice, from text, who it is that doesn t know when end will be. 1. The text tells us that not even the angels know when it is. 2. That is surprising, for we would expect them to know. a. Just consider who the angels are, and what the angels do. They are ministering spirits (Hebrews 1:14). They are God s servants. b. As God s faithful servants, they know that God s one purpose in all history is to glorify Himself by saving His church. 1. Ngunit may isang bagay na hindi natin nalalaman hindi natin alam kung kalian ang eksaktong wakas. a. Kung minsan ay nagtataka tayo: Ito kaya y sa loob ng 50 taon? O sa loob ng 10 taon? O sa loob ng 2 taon? Darating kaya ito sa 2011? Mangyayari kaya ito sa panahon ko habang nasa sanlibutan? b. Subalit kaugnay sa lahat ng katanungang ito, sinasabi ng ating teksto: Walang kasagutan! Sapagkat walang nakakaalam ng araw, o ng oras (o maging ng taon) ng wakas! 2. Siyempre, ang Dios mismo ay nalalaman ito. a. Ang Dios ay hindi nakaupo lamang na naghihintay kung kalian pagpapasyahang wakasan na ang lahat. (1) Ang Dios ay nagplano ng araw sa Kanyang walang hanggang pasya. Siya ay nagpasya ng tiyak na oras. (2) Ang wakas ay hindi darating ng mas maaga o mas huli kaysa doon. Wala ring anumang makapagbabago nito. b. Subalit hindi sinabi ng Dios kaninuman. Samakatwid, Siya lamang ang nakakaalam ng araw at oras (at buwan at taon at dekada at siglo) kung kalian babalik si Jesus at wawakasan ang lahat ng bagay. 3. Kahit nais nating malaman, hindi natin dapat alamin. Dapat tayong masiyahan sa katotohanan na ang Dios lamang ang nakakaalam. Hindi natin dapat alamin nang higit pa sa sinasabi sa atin ng Biblia. B. Kapansin-pansin, mula sa ating teksto, kung sino ang hindi nakakaalam kung kailan ang wakas. 1. Sinasabi sa atin ng teksto na maging ang mga anghel ay hindi alam kung kalian ito mangyayari. 2. Iyon ay nakakagulat, dahil inaasahan natin na alam nila. a. Pag-isipan natin kung sino ang mga anghel, at ano ang ginagawa ng mga anghel. Sila ay mga espiritung nasa banal na gawain (Hebreo 1:14). Sila ay mga lingkod ng Dios. b. Bilang mga tapat na lingkod ng Dios, alam nila na ang isang layunin ng Dios sa buong kasaysayan ay upang luwalhatiin Siya sa pamamagitan ng pagliligtas sa Kanyang iglesia. Page 2 of 8

c. And they do all their work with that in mind. They have in view the salvation of all the elect. They are involved in that work of gathering, defending, and preserving Christ s church. d. They are involved in the work that is mentioned in Matthew 24:14. When that work is done, then the end will come. 3. Because this is their work, we are inclined to say: Surely the angels know when the end is! It would seem they need to know in order to do their work, and to do it well. If God has told anyone, surely He has told the angels the day and the hour of the return of Christ! 4. But the text says, They do not know! The Father has not told them! They are ignorant of when the final day of world history will arrive! C. Therefore, we must conclude: If the angels do not know, then clearly, no one else can know either! 1. This means that anyone who claims to know the day and hour is proud. He is proud to think that God reveals to him something that God has not even told His angels. 2. And yet there are those who make predictions concerning the date of the end of time. And they even continue to make these predictions when they have already been wrong. a. True of Harold Camping. (1) First predicted Sept., 1994. He was wrong. (2) Then May 21, 2011. Again, he was wrong. (3) Now newest prediction is October 21, 2011. b. He (and also all who believe what he says) fails to understand the clear teaching of our text: No one knows, and no one can know, the day or the hour of the return of Christ! They cannot know because God has not told anyone and God is not going to tell anyone. c. At ginagawa nila ang lahat ng kanilang gawain na iyon ang nasa isipan. Natatanaw nila ang kaligtasan ng lahat ng hinirang. Sila ay sangkot sa gawaing iyon ng pagtitipon, pagtatanggol, at pag-iingat sa iglesia ni Cristo. d. Sila ay sangkot sa gawain na binabanggit sa Mateo 24:14. Kapag tapos na ang gawaing iyon, kung gayon ang wakas ay darating na. 3. Dahil ito ang kanilang gawain, masasabi nating: Tiyak na alam ng mga anghel kung kailan ang wakas! Tila baga kailangan nilang malaman upang magawa ang kanilang gawain, at magawa ito ng mahusay. Kung may pinagsabihan ang Dios, tiyak na sinabi Niya sa mga anghel ang araw at ang oras ng pagbablik ni Cristo! 4. Subalit sinasabi ng teksto, Hindi nila nalalaman! Hindi sinabi sa kanila ng Ama! Sila ay walang alam kung kailan darating ang huling araw ng kasaysayan ng sanlibutan! C. Kung gayon, maaari nating pagtibayin: Kung hindi alam ng mga anghel, samakatwid malinaw, wala ring sinuman ang makakaalam! 1. Ito y nangangahulugan na sinumang nag-aangkin na alam niya ang araw at oras ay mapagmalaki. Siya ay nagmamalaking isipin na ipinahayag sa kanya ng Dios ang isang bagay na hindi man lamang sinabi ng Dios sa Kanyang mga anghel. 2. At gayunman mayroong gumagawa ng mga hula patungkol sa petsa ng wakas ng panahon. At patuloy pa silang gumagawa ng mga hula kahit nagkamali na sila. a. Iyon ay totoo kay Harold Camping. (1) Una ay hinulaan niya ang Setyembre, 1994. Nagkamali siya. (2) Pagkatapos hinulaan niya ang Mayo 21, 2011. Muli, nagkamali siya. (3) At ngayon ang kanyang pinakabagong hula ay Oktubre 21, 2011. b. Siya (at lahat nang naniniwala sa sinasabi niya) ay nabigong maunawaan ang malinaw na aral ng ating teksto: Walang nakakaalam, at walang maaring makaalam, ng araw o ng oras ng pagbabalik ni Cristo! Hindi nila malalaman dahil walang pinagsabihan ang Dios at hindi sasabihin ng Dios sa kahit sino. Page 3 of 8

3. On the basis of God s Word in our text, we can be sure that their predictions are wrong. If God alone knows, then we can say to anyone who claims to know: You are wrong! You do not know! God is going to keep the date of the end a secret! 3. Sa batayan ng Salita ng Dios sa ating teksto, makasisiguro tayo na ang kanilang mga hula ay mali. Kung ang Dios lamang ang nakakaalam, kung gayon ay masasabi natin sa sinumang nag-aangkin na alam nila na: Mali kayo! Hindi ninyo alam! Pananatilihin ng Dios na lihim ang petsa ng wakas! II. Christ s Unexpected Return A. Because God has not told anyone, the return of Jesus Christ is going to be unexpected. The end of the world will take people (some people) by surprise. 1. This is what our text teaches especially in verses 37-39, by mentioning Noah and the flood. a. The history of Noah and the flood is recorded in Genesis 6 and 7. (1) God told Noah that, because of man s wickedness, He was going to destroy the world with a great flood. (2) God commanded Noah to build an ark in which he and his family, and two of each animal, would be safe from the flood. (3) When Noah and his family were in the ark, then God sent a great flood. Water came down from above. Water came up from below. It covered the whole earth. (4) This flood took the ungodly by surprise. b. Why were they surprised? (1) Not because they were ignorant. They knew the flood was coming, for Noah had told them. For 120 years, he preached to them and called them to repent of their sins. (2) But they did not believe Noah. They were indifferent. They rejected and despised God s Word. They refused to obey it. c. And so, they were taken by surprise for they were not ready for the flood. II. Ang Hindi Inaasahang Pagbabalik Ni Cristo A. Dahil hindi sinabi ng Dios sa kaninuman, ang pagbabalik ni Jesu Cristo ay magiging hindi inaasahan. Ang wakas ng sanlibutan ay gugulat sa mga tao (sa ilang mga tao). 1. Ito ang itinuturo ng ating teksto lalo na ang mga talatang 37-39, sa pamamagitan ng pagbanggit kay Noe at ang baha. a. Ang kasaysayan ni Noe at ang baha ay nakatala sa Genesis 6 at 7. (1) Sinabi ng Dios kay Noe na, dahil sa kasamaan ng tao, Kanyang lilipulin ang sanlibutan sa pamamagitan ng malaking baha. (2) Inutusan ng Dios si Noe na gumawa ng isang arko kung saan siya at ang kanyang pamilya, at tig-dalawa sa bawat uri ng hayop ay maliligtas sa baha. (3) Nang si Noe at ang kanyang pamilya ay nasa loob na ng arko, ay pinadala na ng Dios ang malaking baha. Ang tubig ay bumaba galling sa kaitasan. Ang tubig ay nagmula sa kailaliman. Tinakpan nito ang buong sanlibutan. (4) Ang bahang ito ay gumulat sa mga hindi maka-dios. b. Bakit sila nagulat? (1) Hindi dahil sila ay walang alam. Alam nilang darating ang baha, dahil sinabi sa kanila ni Noe. Sa loob ng 120 taon, siya ay nangaral sa kanila at tinawag sila upang magsisi sa kanilang mga kasalanan. (2) Subalit hindi nila pinaniwalaan si Noe. Wala silang pakialam. Tinanggihan nila at hinamak ang Salita ng Dios. Ayaw nilang sundin ito. c. Kung kaya t, sila ay nagulat sapagkat hindi sila handa para sa baha. Page 4 of 8

(1) Suddenly it came. And now, too late for them to repent of their sins. (2) The flood took them all away to death, and then to God s eternal judgment in hell. 2. That is how it will be when Jesus Christ returns at the end of time verse 39b. a. People will not be ready. Men and women and children will be focused on earthly life. They will be seeking earthly pleasures. They will be eating and drinking and having parties. b. They will be thinking: This life is all about pleasure! We should simply live for fun! We will enjoy earthly life as much as we can! They will not be thinking about the end instead, they will deny that it is coming. c. Thus, when Christ returns, they will be taken by total surprise. When the end comes, they will not be ready. Just as it was in the days of Noah, that s how it will be at the end of time. B. An important question is, Will the return of Christ be unexpected also for believers? Also for us? 1. The answer is, the end will come as a surprise only to the ungodly. a. That is how it was with the flood. Noah and his family were not taken by surprise. They were in the ark. They believed God s Word and they, by God s grace, were ready. b. It was the ungodly who were taken by surprise when the flood came those who rejected God s Word, and refused to repent. c. That is how it will be at the end of time Christ s return will be unexpected for the ungodly. 2. But always the danger that God s people are not thinking about, and not as ready as they should be, for the coming of the end. (1) Bigla itong dumating. At ngayon ay huli na para pagsisihan nila ang kanilang mga kasalanan. (2) Tinangay silang lahat ng baha sa kamatayan, at pagkatapos sa walang hanggang kahatulan ng Dios sa impiyerno. 2. Magiging gayon kapag bumalik na si Jesu Cristo sa wakas ng panahon talatang 39b. a. Hindi magiging handa ang mga tao. (1) Ang mga lalaki at mga babae at mga bata ay matutuon sa makalupang buhay. Hahanapin nila ang mga makalupang kalayawan. Sila ay magkakainan at mag-iinuman at magkakaroon ng mga kasayahan. (2) Iisipin nila: Ang buhay na ito ay patungkol sa lahat sa kalayawan! Dapat lamang tayong mabuhay sa kasiyahan! Tamasahin natin ang makalupang buhay hangga t kaya natin! (3) Hindi nila iisipin ang wakas sa halip, itatanggi nila na ito y darating. b. Sa gayon, kapag bumalik si Cristo, sila ay lubhang magugulat. Kapag dumating na ang wakas, hindi sila magiging handa. Tulad ng nangyari sa panahon ni Noe, magiging gayon sa wakas ng panahon. B. Ang mahalagang tanong ay, Ang pagbabalik ba ni Cristo ay magiging hindi-inaasahan para sa mga mananampalataya? Para din sa atin? 1. Ang sagot ay, ang wakas ay magiging kagulat-gulat lamang sa mga di maka-dios. a. Ito y gayon sa panahon ng baha. Si Noe at ang kanyang pamilya ay hindi nagulat. Sila y nasa loob ng arko. Sila y naniwala sa Salita ng Dios. At sila, sa pamamagitan ng biyaya ng Dios, ay handa. b. Ang mga di maka-dios ang nagulat nang dumating ang baha silang mga tumanggi sa Salita ng Dios, at ayaw magsisi. c. Magiging gayon sa wakas ng panahon ang pagbabalik ni Cristo ay magiging hindi inaasahan para sa mga di maka-dios. 2. Subalit laging mayroong panganib na hindi naiisip ng mga hinirang ng Dios, at hindi kasing-handa nang nararapat, para sa pagdating ng wakas. Page 5 of 8

a. We have a sinful nature. We are tempted to live like the ungodly to eat and drink and make merry. We are tempted to live for earthly pleasure and success. b. For that reason we need to face this question: If Jesus came now, what would He find you doing? Will you be ready? Or will you be living as though the end is never going to come? III. Our Calling To Watch A. Because we are tempted to be like the ungodly, we are given a calling verse 42. 1. We must Watch! This means we must be alert. We must be awake. This refers to spiritual watching. We must be spiritually alert and ready for the return of Christ. 2. We must be prepared for the end of life. We must be prepared for the judgment. We must be prepared to meet our Maker. We must be prepared for eternity. B. This command explains for us why God has not told us the exact day and hour of the end. 1. If God did tell us, we would not watch and be ready. If we knew it was going to be on a certain date, we would be tempted to wait to get ready. a. We would say: I can wait with my spiritual life and spiritual preparation. I don t need to give attention to the Bible and prayer until that day of the end is close! b. We would say: I can live a few more years in pleasure. When the end gets nearer, then I will devote some time to spiritual things and to the welfare of my soul! 2. For good reason, God has not told us the day or hour or month or year of the end. a. It is for our good that He has kept it a secret. For it causes us to strive to be always ready. a. Mayroon tayong makasalanang kalikasan. Tayo ay natutuksong mamuhay tulad ng mga di maka-dios na kumain at uminon at magpakasaya. Tayo ay natutukso na mamuhay para sa makalupang kasiyahan at tagumpay. b. Dahil diyan kailangan nating harapin ang katanungang ito: Kung dumating si Jesus ngayon, ano ang makikita Niyang ginagawa mo? Magiging handa ka ba? O mamumuhay kang tila ang wakas ay hindi na darating? III. Ang Tawag Sa Atin Upang Magbantay A. Dahil tayo ay natutuksong matulad sa mga di maka-dios, tayo ay binigyan ng tawag talatang 42. 1. Dapat tayong Magbantay! Ibig sabihin nito tayo ay dapat maging handa. Dapat tayong maging gising. Ito ay tumutukoy sa espiritwal na pagbabantay. Dapat tayong maging espiritwal na listo at handa para sa pagbabalik ni Cristo. 2. Dapat tayong maging handa para sa wakas ng buhay. Dapat tayong maging handa para sa paghatol. Dapat tayong maging handa na makita ang ating Manlilikha. Dapat tayong maging handa para sa walang hanggan. B. Ang utos na ito ang nagpapaliwanag sa atin kung bakit hindi sinabi ng Dios sa atin ang eksaktong araw at oras ng wakas. 1. Kung sinabi sa atin ng Dios, hindi tayo magbabantay at maghahanda. Kung alam natin na ito ay sa isang tiyak na petsa, matutukso tayong maghintay upang maging handa. a. Sasabihin natin: Makakapaghintay ako sa aking espiritwal na buhay at espiritwal na paghahanda. Hindi ko kailangang bigyan ng pansin ang Biblia at pananalangin hanggang malapit na ang araw ng wakas! b. Sasabihin natin: Makakapamuhay ako ng ilan pang taon sa kalayawan. Kapag malapit na ang wakas, tsaka ako magtatalaga ng ilang panahon sa mga bagay na espiritwal para sa kapakanan ng aking kaluluwa! 2. Para sa mabuting kadahilanan, hindi sinabi sa atin ng Dios ang araw o oras o buwan o taon ng wakas. a. Ito y para sa ating kabutihan kung kaya t inilihim Niya ito. Dahil nagiging dahilan ito upang magsikap tayong maging laging handa. Page 6 of 8

b. That is necessary, so that when the end actually does come, we are ready and not shocked. 3. But it is also necessary because the end could come at any time for any one of us through death. We do not know when we will die. But when we do, that is the end for us. We must be ready. C. What does it mean to be ready? It involves at least three things. 1. First of all, to be ready is to be thinking about and looking for the end to come. a. This involves noticing the many signs that Christ has given us in Matthew 24. (1) We look for signs in world history war; the antichrist; men seeking world peace. (2) We look for signs in the creation earthquakes; volcanoes; typhoons; floods. (3) We look for signs in the church apostasy; the gospel spreading through all the earth. b. Through these signs, Christ shows us that the end is coming, and that it is getting very near. c. We need to be familiar with Matthew 24. We should read it often. That will help us be ready. 2. Secondly, to be ready involves living as pilgrims and strangers on this earth. a. We must remember that this world is not our home. We have an eternal home in heaven. We must live our lives with that in mind. b. We should not be living for earthly pleasures, or for earthly success. But we must live our lives for God and Christ seeking to please them. b. Iyon ay kinakailangan, upang kapag dumating na mismo ang wakas, tayo ay handa at hindi magugulat. 3. Subalit ito rin ay kinakailangan dahil ang wakas ay maaring dumating anumang oras para sa sinuman sa atin sa pamamagitan ng kamatayan. Hindi natin alam kung kailan tayo mamamatay. Ngunit kapag tayo ay namatay na, iyon na ang wakas para sa atin. Dapat tayong maging handa. C. Ano ang ibig sabihin ng maging handa? Ito ay kasamang tatlong bagay. 1. Una sa lahat, ang maging handa ay ang pag-iisip at paghihintay para sa pagdating ng wakas. a. Kasama dito ang pagpansin sa maraming mga tanda na ibinigay sa atin ni Cristo sa Mateo 24. (1) Tayo ay tumitingin ng mga tanda sa kasaysayang pandaigdig digmaan; ang anticristo; ang mga tao ay naghahanap ng kapayapaang pandaigdig. (2) Tayo ay tumitingin ng mga tanda sa nilikha mga lindol; mga bulkan; mga bagyo; mga baha. (3) Tayo ay tumitingin ng mga tanda sa loob ng iglesia pagtalikod; ang ebanghelyo ay ikinakalat sa buong sanlibutan. b. Sa pamamagitan ng mga bagay na ito, ipinapakita sa atin ni Cristo na ang wakas ay parating na, at ito y malapit na malapit na. c. Kailangan nating alam na alam ang Mateo 24. Dapat natin itong basahin ng madalas. Iyan ay makakatulong sa atin na maging handa. 2. Ikalawa, ang maging handa ay ang pamumuhay bilang manlalakbay at dayuhan dito sa sanlibutan. a. Dapat nating alalahanin na ang sanlibutang ito ay hindi natin tahanan. Mayroon tayong walang hanggang tahanan sa kalangitan. Dapat nating ipamuhay ang ating buhay na iyan ang nasa isipan. b. Hindi tayo dapat mamuhay para sa makalupang kalayawan, o para sa makalupang tagumpay. Kundi dapat nating ipamuhay ang ating buhay para sa Dios at kay Cristo nagnanais na bigyang-lugod sila. Page 7 of 8

c. Then, when Jesus Christ comes, He will not find us eating and drinking and sinning. Instead, He will find us living (by His work of grace in us) lives in which we are serving Him. 3. Thirdly, to be ready means to cling, by faith, to Jesus Christ. There is no other way to be ready. a. How can we possibly be ready for Christ to come, without Him? We need Him as our Savior. We need His grace. We need His strength. We need His Word and Spirit. b. Only by faith in Christ can any of us be ready for the end. (1) By faith, flee to Him for the forgiveness you need, and for strength to turn from sin. (2) By faith, believe that He died on the cross to cleanse you and make you fit for heaven. (3) By faith, trust that He is guiding you in this life in order to prepare you for heaven. c. One who has faith confesses: I cannot prepare myself. But I can do all things through Christ Who strengthens me. Because of Him, I can be ready for the end, and ready to meet Him! Conclusion: I. Watch! Be ready! Pray! Then that day of the end will not come unexpectedly and by surprise. II. In fact, if we are ready, we will have comfort in knowing that day is near for it is a day of great salvation. III. May Christ make us ready. May He cause us even to pray: Come Lord Jesus, come quickly! c. Magkagayon, kapag dumating si Jesu Cristo, hindi Niya tayo masusumpungang kumakain at umiinom at nagkakasala. Sa halip, masusumpungan Niya tayong namumuhay (sa pamamagitan ng Kanyang gawang biyaya sa atin) ng buhay na naglilingkod sa Kanya. 3. Ikatlo, ang maging handa ay nangangahulugang kumapit, sa pamamagitan ng pananampalataya, kay Jesu Cristo. Walang ibang paraan upang maging handa. a. Paano tayo magiging handa sa pagdating ni Cristo, kung wala Siya? Kailangan natin Siya bilang ating Tagapagligtas. Kailangan natin ang Kanyang biyaya. Kailangan natin ang Kanyang kalakasan. Kailangan natin ang Kanyang Salita at Espiritu. b. Sa pamamagitan lamang ng pananampalataya kay Cristo ang sinuman sa atin ay magiging handa para sa wakas. (1) Sa pamamagitan ng pananampalataya, tumakas sa Kanya para sa kapatawarang kailangan mo, at para sa kalakasan upang talikuran ang kasalanan. (2) Sa pamamagitan ng pananampalataya, maniwala na Siya y namatay sa krus upang linisin ka at gawin kang karapat-dapat sa kalangitan. (3) Sa pamamagitan ng pananampalataya, magtiwala na ginagabayan ka Niya sa buhay na ito upang maihanda ka para sa kalangitan. c. Ang isang may pananampalataya ay nagpapahayag na: Hindi ko maihahanda ang aking sarili. Subalit lahat ng mga bagay ay aking magagawa sa pamamagitan ni Cristong nagpapalakas sa akin. Dahil sa Kanya, maaari akong maging handa para sa wakas, at handang makatagpo Siya! Pagwawakas: 1. Magbantay! Maging handa! Manalangin! Kung magkagayon ang araw na iyon ng wakas ay hindi darating nang hindi-inaasahan at nakakagulat. 2. Sa katunayan, kung tayo y handa, magkakaroon tayo ng kaaliwan sa pagkaalam na nalalapit na ang araw sapagkat ito ang araw ng dakilang kaligtasan. 3. Gawin nawa tayong handa ni Cristo. Gawin nawa Niyang manalangin tayo ng: Pumarito Ka Panginoong Jesus, pumarito Kang madali! Page 8 of 8