AngTinig St. John the Baptist Parish 140 Pinaglabanan Street, San Juan City 15 MARCH 2015 IKA-4 LINGGO NG KUWARESMA (Juan 3: 14-21) Rosas Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan Noong panahong iyon: sinabi ni Hesus kay Nicodemo, Kung paanong itinaas ni Moises ang ahas doon sa ilang, gayun din naman, kailangang itaas ang Anak ng Tao, upang ang sinumang sumasampalataya sa kanya ay magkaroon ng buhay na walang hanggan. Gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan, kaya ibinigay niya ang kanyang bugtong na Anak, upang ang sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan. Sapagkat sinugo ng Diyos ang kanyang Anak, hindi upang hatulang maparusahan ang sanlibutan, kundi upang iligtas ito sa pamamagitan niya. Hindi hinahatulang maparusahan ang nananampalataya sa bugtong na Anak ng Diyos; ngunit hinatulan nang parusahan ang hindi nananampalataya sa kanya. Hinatulan sila sapagkat naparito sa sanlibutan ang ilaw, ngunit inibig pa ng mga tao ang dilim kaysa liwanag, sapagkat masama ang kanilang mga gawa. Ang gumagawa ng masama ay ayaw sa ilaw, at hindi lumalapit dito upang hindi mahayag ang kanyang mga gawa. Ngunit ang namumuhay sa katotohanan ay lumalapit sa ilaw; sa gayun, nahahayag na ang kanyang mga ginagawa y pagsunod sa Diyos. Reflection: Sa Krus ang ating Kaluwalhatian Kung paanong itinaas ni Moises ang ahas sa disyerto, gayundin dapat itaas ang anak ng Tao upang magkaroon ng buhay na magpakailanman ang bawat nananalig sa kanya. Ang kuwento ng ahas na itinaas ni Moises sa disyerto ay matatagpuan sa aklat ng Mga Bilang (21:4-9). Sa kanilang paglalakbay sa ilang, ang bayan ng Israel,
ay hindi pinanghinaan ng loob. Dahil sa dinanas na gutom at uhaw, pinagsisihan nila ang pag-alis sa Egipto. Nagreklamo sila sa Diyos at kay Moises. Bilang kaparusahan nagpadala ang Diyos ng makamandag na mga ahas. Tinuklaw nito ang mga tao na naging sanhi ng kamatayan ng marami. Nagsisi ang mga Israelita. Hiniling nila ang pamamagitan ni Moises upang maligtas sila sa mga ahas. Bilang tugon, iniutos ng Diyos kay Moises na gumawa ng tanso sa anyo ng ahas at itaas ito sa isang tikin. Ang sinumang tinuklaw ng ahas at tumingin sa ahas na tanso ay mabubuhay. Ang kuwentong ito ay palaisipan para sa mga Hudyo sapagkat mahigpit na ipinagbawal sa kanila ang paggawa ng mga imahe. Huwag kang gagawa ng inukit na diyus-diyusan o imahen ng anumang nasa langit sa itaas o nasa lupa sa ibaba o nasa tubig sa ilalim ng lupa (Ex. 20.4). Sa katunayan, ang pag-aalay sa tansong ahas na ginawa ni Moises ay patuloy hanggang sa panahon ni Haring Ezekias (2 H 18:4), Sinira niya ang mga ito bilang pagsunod sa tagubilin ng Diyos laban sa mga imaheng idolo. Ganito ipinaliliwag ng mga rabbi o tagapagturo ng sambahayanang Hudyo ang tungkol sa ahas na tanso: Hindi ang ahas na tanso ang nagbibigay-buhay. Ang kagalingan at kaligtasan ay nagmumula sa Diyos na nag-utos kay Moises na itaas ang imaheng ahas. Nang ituon ng mga tao ang kanilang kaisipan at pananalig sa Diyos sa pamamagitaning imaheng ahas, sila ay gumaling. Ginamit ni Juan ang salaysay na ito mula sa Lumang Tipan upang ipaliwanag ang epekto sa sangkatauhan ng kamatayan ni Hesus sa krus. Itinaas si Hesus sa krus nang siya y ipako rito ngunit kagaya ng tansong ahas ang sinumang manalig sa kanya ay gagaling sa kanyang mga kasalanan at magkakamit ng buhay na walang hanggan. Ang salitang itaas ay hupsuon sa griyego. Ginamit sa Bagong Tipan ang salitang hupsuon patungkol kay Hesus sa dalawang kabuluhan: ang pagtataas kay Hesus sa kahoy na krus at ang pagtataas kay Hesus sa kanyang kaluwalhatian. Ang dalawang kahulugang ito ay magkaugnay. Ang pagtataas kay Hesus sa kaluwalhatian ay hindi maisasakatuparan kung hindi siya itinaas sa krus. Ang krus ang daan patungong kaluwalhatian. Walang kaluwalhatian kung walang krus. Sa buhay ng bawat Kristiyano, ang paghihirap ay nagkakaroon ng saysay kung tayo ay kasama ni Kristo. Maraming mahahalagang bagay sa buhay ng tao ang nakakamit pagkatapos ng maraming pagtitiis at tiyaga. Sa Kristiyanong pananaw, ang krus ay daan tungo sa kaluwalhatian. Nang sabihin ni Hesus na pasanin ang ating krus at sundan siya, ito ay dahil alam ni Kristo na ang kapalaran ng sumusunod sa kalooban ng Diyos ay hindi nagtatapos sa paghihirap o kamatayan bagkus sa kaluwalhatian at sa buhay na walang hanggan.
Ngunit ang mga salita ni Juan ay isa ring kabalintunaan: Hindi hinuhusgahan ang nananalig kay Hesus ngunit ang mga walang pananalig ay huhusgahan (v.18). Hindi ba t si Juan din ang nagsabi na naparito sa lupa si Hesus hindi upang husgahan ang mundo? Ang masamang gawain ng tao na rin ang huhukom sa tao. Iniaalay ng Diyos ang kaligtasan sa pamamagitan ni IKristo ngunit hindi niya sinasaklawan ang kalayaan ng tao. Ang pagtugon o hindi pagtugon sa pagmamahal niya ay itatakda ng kalayaan ng tao. Malaya itong makakapili kung siya y sa liwanag o sa kadiliman. Ang Diyos at kabutihan ay ang liwanag. Ang kamatayan at kasamaan naman ang kadilliman. Ang tao ay huhusgahan ayon sa kanyang pinili. Ang panahon ng Kuwaresma ay panahon ng pagpili: liwanag o dilim? Buhay na walang krus o ang pagbabata ng krus kasama si Kristo at sa huli y makibahagi sa kanyang kaluwalhatian? (Sr. Ma. Nimfa Ebora, PDDM-Sambuhay) Lent and Holy Week 2015 God s love does not allow him to be indifferent to what happens to us. Pope Francis Lenten Message 2015 SCHEDULE OF ACTIVITIES March 26, Thursday 7:00 p.m. Blessing of the newly Renovated Confessional and Kumpisalang Bayan March 28, Saturday, 7:00 p.m. Film Viewing at the Parish Patio March 29, Sunday Palm Sunday of the Lord s Passion 7:00 a.m. Mass at Salapan Chapel 8:00 a.m. Procession of Palms 9:30 a.m. Mass, Parish Church
March 30, Holy Monday 3:00 p.m. Parish Pabasa 7:00 p.m. Parish Lenten Recollection Speaker: Most Rev. Teodoro Bacani, Jr. D.D. Bishop Emeritus of Novaliches March 31, Holy Tuesday 7:00 p.m. Parish Lenten Recollection Speaker: Rev. Fr. Godwin Tatlonghari April 1, Holy Wednesday 7:00 p.m. Parish Lenten Recollection Speaker: Rev. Fr. Gerard Timoner, OP April 2, Holy Thursday 6:00 a.m. Mass of Chrism at the Manila Cathedral SACRED PASCHAL TRIDUUM 5:00 p.m. Evening Mass of the Lord s Supper and Reposition and Adoration of the Most Holy Eucharist April 3, Friday of the Passion of the Lord 6:00 a.m. Morning Prayer 6:30 a.m. Way of the Cross 12:00 noon Seven Last Words 4:00 p.m. Celebration of the Lord s Passion and Veneration of the Cross 5:00 p.m. Burial Procession April 3, Holy Saturday 7:00 a.m. Morning Prayer 9:00p.m. Easter Vigil then Salubong April 4, Easter Sunday Regular Sunday Schedule, except no 5:00 a.m. mass 4:00 p.m. Easter egg hunting (PYM) Notes: *March 29 Procession of Palms will start at the Salapan Chapel immediately after the 7-8:00 a.m. Mass. Procession will start from 29 de Agosto, S. Veloso, Aurora Blvd. A. Lake, N. Domingo and Pinaglabanan to Parish.
*April 2 Good Friday - Route of Procession and Venue of the Vigil for the Risen Lord and Matter Dolorosa to be announced later. ANNOUNCEMENT EVERYBODY IS INVITED TO THE TRIDUUM IN HONOR OF ST JOSEPH. THIS WILL START ON MONDAY, MARCH 16. HIS FEAST DAY WILL BE ON THURSDAY, MARCH 19. THERE WILL BE BLESSING OF FATHERS. OUR PARISH WILL HAVE KUMPISALANG BAYAN ON MARCH 26, THURSDAY, AT 7 IN THE EVENING. WE SHALL ALSO HAVE THE BLESSING OF OUR NEWLY RENOVATED CONFESSIONAL BOXES. EVERYBODY IS INVITED. THANK YOU VERY MUCH! A Prayer to St. Joseph O blessed Joseph, faithful guardian of my Redeemer, Jesus Christ, protector of thy chaste spouse, the virgin Mother of God, I choose thee this day to be my special patron and advocate and I firmly resolve to honor thee all the days of my life. Therefore I humbly beseech thee to receive me as thy client, to instruct me in every doubt, to comfort me in every affliction, to obtain for me and for all the knowledge and love of the Heart of Jesus, and finally to defend and protect me at the hour of my death. Amen. MARRIAGE BANNS March 15, 2015 to March 22, 2015 Others: 1 st Proclamation Jhon Paul S. Galoyo & Joanna Marie H. Campillanes May 9, 2015 Immaculate Conception Cathedral Lantana, Cubao Quezon City
Ronald Carñino & Elizabeth Palattao May 8, 2015 Sacred Heart of Jesus Parish Church, Quezon City Eryl A. Niñalga & Alain Rocgelle A. Alvarez May 19, 2015 Holy Trinity Parish Church, Cainta Rizal Charles Edison Co Dee & Aimee Adayo Luyq April 11, 2015 Mary the Queen Parish Church Greenhills San Juan City Olbert P. Lucero & Mercy Ann E. Mellen April 18, 2015 Sto. Niño Cathedral, Calapan City 2 nd Proclamation Francis c. Chong & Maria Regina F. Gler April 8, 2015 Santuario del Santo Cristo Parish Church Blumentritt St. San Juan City Daryl S. Bantugan & Marlyn P. Valeroso March 28, 2015 San Agustin Parish Church, Market Ave. Pasig City 3 rd Proclamation Kenneth Ong Go & Meliza Anne Uy Lim May 24, 2015 San Sebastian Basilica Plaza del Carmen, Quiapo Manila Jezter D. Cinco & Abigael M. Garcias May 2, 2015 Christ the King Parish Church Greenmeadows Avenue, Quezon City Note: If anyone knows of any impediment to the union of these couples, please inform the Parish Office. Thank you.