Ang Sakramento. Naghihintay sa atin ang. Mga Balita Dateline Philippines MENSAHE NG AREA PRESIDENCY

Similar documents
Nagpapasalamat ako na matipong

Protestant Reformed Missions

Rev. D. Kleyn, PRCA Missionary. Mga Araw ng Panginoon 29 ng Katekismong Heidelberg Ang Pagbasa ng Kasulatan: Mateo 26:17-30

I PEDRO 3:15. Ang Teksto ng Sermon: I Pedro 3:15. Rev. D. Kleyn, PRCA Missionary

Rev. D. Kleyn, PRCA Missionary. Mga Araw ng Panginoon ng Katekismong Heidelberg Ang Pagbasa ng Kasulatan: Mga Gawa 16:14-34

All of Grace Protestant Reformed Fellowship Rev. R. Smit, Missionary - Bagong Sicat, Gabaldon, Nueva Ecija - 8 July 2012

Araw ng Panginoon 45 ng Katekismong Heidelberg Scripture Reading: Awit 55

Panimula 1. Minsan ba ay pinangarap mong maging artista o kaya ay pulitiko? Bakit?

Christ the Healer International Fellowship

GENESIS 50:20 Pagbasa ng Kasulatan: Genesis 37:12-36, 50:14-21

MGA TAGUBILIN para sa KURIKULUM 2012

JUDGES 2:10. Isang Henerasyon Na Hindi Kilala Si Jehovah I. Ang Kahulugan II. Ang Dahilan III. Ang Kahalagahan

HOPING IN GOD FROM GENERATION TO GENERATION Building Households of Faith in Our Church

Mga Turo ng mga Pangulo ng Simbahan. Joseph Fielding Smith

The Path of True Happiness

- ALL OF GRACE PROTESTANT REFORMED FELLOWSHIP - Rev. R. Smit, PRCA Missionary - Bagong Sikat, Gabaldon, Nueva Ecija - 6 January 2013.

Doktrina at mga Tipan at Kasaysayan ng Simbahan. Gabay sa Pag-aaral ng Miyembro ng Klase

Teksto ng Pangaral: MATEO 28:5-8

You Must Be Born Again

Rev. D. Kleyn, PRCA Missionary. Araw ng Panginoon 21 (T&S 55) ng Katekismong Heidelberg Ang Pagbasa ng Kasulatan: Mga Taga-Roma 12:1-16

Alone with God in Prayer

Teksto ng Pangaral: MATEO 24:36-42

A Candle for HOPE Honest, Orderly and Peaceful Elections Liturgy / Prayer Component

Rev. D. Kleyn, PRCA Missionary. Ang Teksto ng Sermon: I Corinto 15:55-57 Ang Pagbasa ng Kasulatan: I Corinto 15:35-58

Part 54: Hearts Burning (Luke 24:13-35)

Katekismong Heidelberg, Araw ng Panginoon 6a (II Peter 3)

Scripture Reading: Mga Roma 3 Psalter Numbers: 411, 114, 378, 69, 196

Psalm 139:17-18 MGA AWIT 139: Rev. D. Kleyn, PRCA Missionary

PAGHAHANDA SA PAGPASOK SA BANAL NA TEMPLO

II CORINTO 5:7. Rev. D. Kleyn, PRCA Missionary. Pagbasa sa Kasulatan: II Corinto 4:17-5:10 Psalter Numbers: 71, 322, 51, 87, 196

PINAGKALOOBAN MULA SA KAITASAN

GRACECOMM PRIMER. Baliwag Bible Christian Church. treasuringchrist

All of Grace Protestant Reformed Fellowship Gabaldon, Nueva Ecija 22 January 2012

BLESSED SONS OF ABRAHAM

All of Grace Protestant Reformed Fellowship Rev. R. Smit, Missionary - Bagong Sicat, Gabaldon, Nueva Ecija - 8 July 2012

Investment (Luke 19:11-27)

Protestant Reformed Missions in the Philippines

THE PRESS FOR HELP PROJECT Concept, program and working paper of Emmanuel Mario B Santos and his Marc Guerrero Communications Inc.

COMMISSION ON LITURGY AND POPULAR RELIGIOSITY

Mga Mobile Device sa Sacrament Meeting? p. 26 Ang Susunod na Ordenansa na Kailangan Ninyo, p. 18 Ang mga Layunin ng Diyos ay Hindi Mabibigo, p.

LUCAS 9:61-62 LUKE 9:61-62

All of Grace Protestant Reformed Fellowship Gabaldon, Nueva Ecija 22 April 2012 Genesis 1:20-25

All of Grace Protestant Reformed Fellowship Gabaldon, Nueva Ecija 25 SEPTEMBER 2011

Mga Turo ng mga Pangulo ng Simbahan. Ezra Taft Benson

Aklat ni Mormon. Gabay sa Pag-aaral ng Miyembro ng Klase

Protestant Reformed Missions in the Philippines

Mga Sanggunian. ng Ebanghelyo para sa Tahanan. Mga Banal na Kasulatan...2. Pangkalahatang Kumperensya...2. Mga Magasin...3. Musika...

Part 44: Prophet, Priest and King (Luke 19:28-48)

All Of Grace Protestant Reformed Fellowship in Gabaldon

JOB 2:9-10. Ang Teksto ng Sermon: Job 2:9-10. Rev. D. Kleyn, PRCA Missionary

Next to the birth of Jesus in December, Holy Week is next in terms of solemnity and rituals or practices on the part of observers and believers.

Part 17: Disciple (9:18-36) December 1, 2013

Genesis 7: All of Grace Protestant Reformed Fellowship Rev. R. Smit, Missionary - Bagong Sikat, Gabaldon, Nueva Ecija - 3 February 2013

Protestant Reformed Missions In The Philippines

II Corinto 5:10. FACING THE FINAL JUDGMENT I. The Great Judgment Day II. Our Comfort Concerning It

Ang Pagbasa ng Kasulatan: Awit 104:1-24

10 ABRIL 2016 IKA- 3 LINGGO NG PASKO NG MULING PAGKABUHAY - K PUTI. +Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan (Jn 21:1-19)

ABIDE IN ME - JESUS FRUITLESS CHRISTIANS?

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN WILFORD WOODRUFF

WISHING YOU A JOYFUL AND PEACEFUL NEW YEAR 2009! MANIGONG AT MAPAYAPANG BAGONG TAON

Ang Aklat ni Mormon. gabay sa pag-aaral ng estudyante

literary section poems

Ang Limang Haligi ng Islam Ni: Ahmad J. Salas / PLPHP - ISCAG Philippines

MY LAST SOAR MY LAST HURRAH IN THE SKY

Arman Ali Ghodsinia. College of Science and Pagmamalasakit

Ang Mga Biyaya ng Pag-aayuno [Tagalog] Reviewed by: Salamodin D. Kasim

Islamikong Kaugalian Ukol sa Bagong Silang na Bata Mula Pagsilang Hanggang sa Paglaki

Complete the following statement: one of the most embarrassing moments of my life was when... 1) Form the core of your NCD Implementation Team

Katekismong Heidelberg, Araw ng Panginoon 4 (Mark 9:30ff)

SPYC Brings WYD. from Rio to Laguna

A Case Study on Christian Political Engagement

YEAR XII NO. 3 OFFICIAL NEWSPAPER OF THE ARCHDIOCESE OF LIPA

2000 ABA GINOONG MARIA

Muhammad. Ang Sugo ng Allah. Ni Dr. Abd Ar-Rahman bin Abd Al-Kareem Ash-Sheha. Isinalin sa Wikang Pilipino nina:

Leaders' Empowerment and Discipleship APR-JUN

06 NOBYEMBRE 2016 IKA-32 LINGGO SA KARANIWANG PANAHON - K BERDE

Trends, Practices, and Perspectives in Values and Religious Education. +Pablo Virgilio S. David

... Nais Kong Yumakap sa Islam Nguni t א W א. Omar Al-Hafiz

Good Morning brothers and sisters in Christ. Welcome to the Filipino Catholic Mission of Montreal.

EASTER VIGIL MASS - Holy Saturday, March 26, :00 p.m. Liturgy of the Word. 1st Reading (Gn 1: )

The Filipino CATHOLIC. VOL. 16, NO.11 Spreading the Good News June 13 - July Santakrusan& Flores de Mayo. Sa New York

Judges 1:2 Yahweh answered the Israelites, The tribe of Judah will go. I'll cause the men of Judah to defeat the Canaanites.

MESOPOTAMIA. Ang Unang Kabihasnan

First Quarter 2017 Social Weather Survey: 48% of Filipino adults attend religious services weekly; 85% said religion is important

3/1/2014. Paano natin masasabing siya na ang The One?

Mashāri'ul Ashwāq ilā Masāri'ul Ushāq wa Muthīr Al-Gharām ilā Dārus Salām. Ni Shaykh Abī Zakariyyah Al-Dimashqī Al-Dimyatī "IBN NUHĀS"

MUHAMMAD SUGO SA SANGKATAUHAN

(This book is available in

11 DISYEMBRE 2016 IKA-3 LINGGO NG ADBIYENTO - A ROSAS

Sa Ngalan ng Allah Ang Pinakamaawain at Pinakamahabagin. At itakda ang pagdarasal sa magkabilang dulo ng maghapon at

IHMP PPC Holds 2018 Planning Session

2And the earth was without form, and void; and darkness was upon the face of the deep. And the Spirit of God moved upon the face of the waters.

Kapatiran Sa Islam MGA NILALAMAN. Mga Panitik na Ginamit.. Pambungad 1 2 Panimula. 3 6 Mga Tungkulin at Karapatan sa Islamikong Kapatiran 7 19

LESSONS ON THE UCCP STATEMENT OF FAITH A Sunday School Guide for Youth

Mga Pangunahing Paniniwala Sa Islam

Keynote Address of Bishop Ambo David at the CEAP National Convention Oct. 3, 2018 SMX Convention Center, Pasay City

UNANG GRADUATION... P. 2

دليل احلاج والمعتمر GABAY NG HAJJI AT MU TAMIR فلبيني. Committee of Islamic books distribution for Hujjaj and Mutamir

YEAR XII NO. 4 OFFICIAL NEWSPAPER OF THE ARCHDIOCESE OF LIPA

AngTinig. Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Transcription:

Mga Balita Dateline Philippines MENSAHE NG AREA PRESIDENCY ARTWORK SA KAGANDAHANG LOOB NG CHURCH MEDIA LIBRARY Ang Sakramento Naghihintay sa atin ang pinakamahalaga at pinakasagradong pulong ng Simbahan, ang ating sacrament meeting, tuwing Linggo. Kapag dumadalo tayo linggulinggo napapanibago natin ang ating mga tipan sa binyag, naaalaala ang Pagbabayad-sala ng ating Tagapagligtas at naiisip ang epekto nito sa ating sariling buhay. Ang kalidad ng ating karanasan sa sacrament meeting ay lubhang nakabatay sa ating personal na paghahanda para sa pulong. Oo, inaasahan natin na maayos na naiplano ng ating mga lider ng priesthood ang pulong na may magandang prelude music at handa na ang mga simbolo ng sakramento bago magsimula ang pulong ngunit ang pinakamakabuluhang paghahanda ay ang ating personal na paghahanda. Bago pa man natin lisanin ang ating tahanan para sa mga pulong sa Simbahan sa araw na iyon maihahanda na natin ang ating isipan para sa sacrament ARTWORK SA KAGANDAHANG LOOB NG CHURCH MEDIA LIBRARY meeting. Nalaman namin ni Sister Ardern na kapag nakinig kami sa sagradong musika habang naghahanda para sa Simbahan higit naming nadarama ang Espiritu sa aming tahanan at nakapagpapasigla ito sa aming personal na paghahanda. Nakatutulong ang personal at taimtim na panalangin sa paghahanda namin para sa espesyal na oportunidad na ito. Iniutos sa atin sa banal na kasulatan na huwag tayong makibahagi ng sakramento kapag hindi tayo karapat-dapat (tignan sa 3 Nephi 18:29) kaya mahalagang lumuhod tayo at manalangin sa ating paghahanda. Dapat nating hangarin sa ating mga panalangin at kilos na makibahagi ng mga simbolo nang may bagbag na puso at nagsisising espiritu na mga kundisyong kailangan sa tunay na pagsisisi (tignan sa 2 Nephi 2:6-7). Gayon din sa ating paghahanda iisipin natin kung ano ang ating hitsura, dahil bilang paggalang sa okasyon nanaisin nating isuot ang ating pinakamaayos na damit-pangsimba. Ang pagdating nang Elder Elder Ian S. Ardern Philippines Area Presidency Ang kalidad ng ating karanasan sa sacrament meeting ay lubhang nakabatay sa ating personal na paghahanda para sa pulong. SETYEMBRE 2012 B1

Habang ipinapasa ang sakramento, tayo ay matiyaga ngunit sabik na naghihintay na mapitagang makibahagi ng mga simbolo nito. Ang pakikibahagi natin ng tinapay at tubig ay ang pangako nating maging tapat sa mga tipan na ating ginawa. B2 Liahona maaga bago magsimula ang pulong at pag-upo nang tahimik sa chapel ay magpapaibayo rin sa pagpipitagan sa okasyon at sa ating personal na karanasan. Kung minsan ay nahihirapan ang mga batang musmos na maging mapitagan sa buong 70-minutong sacrament meeting at upang mahikayat ang pagpipitagan, ang mga magulang ay madalas may dalang laruan, aklat, o marahil ay ilang krayola para mapanatiling tahimik ang mga bata. Sa kanilang kamusmusan, isipin lamang na itabi ang mga ito habang idinaraos ang sakramento. Malalaman ninyo na sa paggawa nito ay mas magiging mapitagan ang mga bata sa sacrament meeting habang sila ay lumalaki. Ang mga himno sa sakramento ay maingat na pinili ayon sa mga mensaheng ibinibigay nito. Kapag kinanta natin ang mga himnong katulad ng, Ako ay Namangha, Doon sa Krus sa Kalbaryo, o Habang Ating Tinatanggap naaalaala natin ang ating doktrina at nagiging mapitagan tayo, na nag-aanyaya sa Espiritu Santo na mapasaatin. Kapag kinanta natin ang mga himno nang may tiwala, gaano man kalihis ang ating tono, lalakas ang ang ating patotoo, titibay ang ating pananampalataya at mas mapapalapit tayo sa Diyos sapagkat ang awit ng mabubuti ay isang panalangin sa akin (D at T 25:12). Ang mga panalangin sa sakramento (tignan sa D at T 20:77, 79) ay inihayag kay Propetang Joseph Smith at dalawa sa iilan lamang na nakasulat na panalangin sa Simbahan. Ang mga salita sa mga panalangin sa sakramento ay dapat pakinggang mabuti dahil inaanyayahan tayo nitong maging higit na katulad ng Tagapagligtas habang nakikipagtipan tayo na lagi natin siyang aalalahanin, susundin ang Kanyang mga utos at tataglayin sa ating sarili ang Kanyang pangalan. Kapag ginawa natin ang tatlong bagay na ito nangangako ang Panginoon na mapapasaatin ang Kanyang Espiritu. Habang ipinapasa ang sakramento, tayo ay matiyaga ngunit sabik na naghihintay na mapitagang makibahagi ng mga simbolo nito. Ang pakikibahagi natin ng tinapay at tubig ay ang pangako nating maging tapat sa mga tipan na ating ginawa. Inaanyayahan kayo ng Area Presidency na dumalo sa lahat ng pulong ninyo sa Simbahan linggu-linggo kasama ang inyong pamilya at mga kaibigan at ipinapangako namin na kapag ginawa ninyo ito, magkakaroon kayo ng ibayong kaligayahan, lalo na kapag nakibahagi kayo ng sakramento. Litrato kuha nina Noel Maglaque, Edwin Redrino at Felvir Ordinario.

MGA TINIG NG MGA PILIPINONG LDS Paano Ako Napagpala ng Priesthood at Ang Aking Pamilya? ng pagtuturo sa aking mga Aanak tungkol sa kahalagahan ng pagmimisyon ay nangyari habang nasa Primary pa lang sila. Lagi kong ipinaaalala sa kanila na ang isa sa PINAKAMAGANDANG desisyong magagawa nila ay humayo kapag isinugo sila ng Panginoon, saanman sila tawagin. Ang mga klase sa seminary at institute na sinamahan ng mga panalangin at payo ng pamilya ay tumutulong sa akin na gabayan sila sa pagpapasiyang ito. Napatunayan ko sa lahat ng anak ko na kung tuturuan at sasanayin ninyo sila habang bata pa ay hinding-hindi nila ito malilimutan. Nakabalik na ang dalawang nakatatanda kong mga anak mula sa kanilang pagmimisyon at dalawa pa ang nasa misyon. Vilana Bustillo Mandaue Philippines Stake Buong buhay akong napagpala ng priesthood. Nagsimula ito nang bigyan ako ng pangalan at basbas ng mga mayhawak ng priesthood. Tinuruan ako ng mga inspiradong lider at guro na tinawag at nai-set apart sa pamamagitan ng kapangyarihan ng priesthood noong ako ay nasa Primary, Young Women at Relief Society. Nagpapasalamat ako na mabinyagan, makumpirma, at mabigyan ng kaloob na Espiritu Santo ng isang mayhawak ng banal na Melchizedek Priesthood. Ang kaloob na iyan ang naging gabay ko sa pananatili sa tuwid at makipot na landas patungo sa buhay na walang hanggan. Nagkaroon din ako ng pribilehiyong ma-set apart ng aking stake president bilang fulltime missionary at maglingkod sa patnubay ng dalawang tapat na mission president na mayhawak ng priesthood. Nang maikasal kami ng asawa kong si Ryan sa templo, natanggap ko ang pinakadakilang basbas ng priesthood. Narama ko ang pagmamahal ng aking Tagapagligtas sa pamamagitan niya. Tumanggap kami ng pangako na kung kami ay magiging tapat, makakasama namin ang aming mga anak at ang Panginoon sa buong kawalang-hanggan. Binibigyan ako ng espesyal na basbas ng aking mapagmahal na asawa tuwing manganganak ako at mapalad kaming mapasaamin sina Jash at Rigel, dalawang magiging mabubuting mayhawak ng priesthood sa hinaharap. Kapag tinuruan natin ang ating mga anak at tinulungan silang maghandang tanggapin ang mga ordenansa ng kaligtasan, mapagpapala rin nila ang buhay ng ibang mga tao at pamilya. Walang hanggan kong pasasalamatan ang mga pagpapala ng priesthood sa aking buhay. Sa pamamagitan nito, lubos kong natanto na ako ay anak nga ng ating mapagmahal na Ama sa Langit. Juliane Margarete Q. Flores Parañaque Philippines Stake LITRATO SA KAGANDAHANG LOOB NG FLORES FAMILY Binibigyan ako ng espesyal na basbas ng aking mapagmahal na asawa tuwing manganganak ako at mapalad kaming mapasaamin sina Jash at Rigel, dalawang magiging mabubuting mayhawak ng priesthood sa hinaharap. SETYEMBRE 2012 B3

Ang priesthood sa aming tahanan ang nasa likod ng bawat panalangin at pagaaral ng banal na kasulatan ng pamilya at bawat family home evening. LITRATO KUHA NI ALAIN TAGPUNO ARTWORK NI JOSEPH DAGATAN Ang buhay ng aming pamilya ay napagpala ng kapangyarihan ng priesthood sa napakaraming paraan. Sa pamamagitan ng awtoridad ng priesthood ang pagsasama naming magasawa ay nabuklod sa panahong ito at sa kawalang-hanggan. Naging matibay kaming mag-asawa sa ebanghelyo dahil sa pangakong ito. Tinulungan kami nitong ituon ang aming oras at lakas na unahin ang aming pamilya sa lahat ng bagay. Dahil iginagalang ng aking asawa ang priesthood, tinutulungan siya ng langit sa paglalaan ng aming espirituwal at temporal na mga pangangailangan. Ang priesthood sa aming tahanan ang nasa likod ng bawat panalangin at pagaaral ng banal na kasulatan ng pamilya at bawat family home evening. Ang mga aktibidad at programang ito ng Simbahan na pinamamahalaan ng priesthood ang mga kasangkapang nagpapatibay sa aming pamilya laban sa kasamaang nakapaligid sa atin ngayon. Alam ko na patuloy na dadaloy ang mga pagpapala ng priesthood sa aming pamilya at mga inapo sa darating na mga henerasyon kapag sinikap naming ipamuhay ang ebanghelyo at tuparin ang aming mga tipan. Ito ang kapangyarihan sa walang-hanggang kaligayahan ng aming pamilya. Karen Esmundo Quezon City Philippines Stake Minsan noong buntis ako, sumakit nang husto ang ngipin ko kaya hindi ako nakatulog magdamag. Desperado akong naghanap ng lunas at nagpadala pa nga ako ng text message sa doktor ko para magtanong kung anong gamot ang maiinom ko pero hindi siya sumagot. Nagdasal ako sa Ama sa Langit para mapanatag at makatulog ako. Kinaumagahan bago umalis ang asawa kong si Siege papunta sa trabaho, hiningan ko siya ng basbas ng priesthood. Pagkaalis niya, sinikap kong matulog muli na umaasang wala na ang sakit pagkagising ko. Tulad ng inasahan ko, wala na ang sakit nang magising ako at nagpasalamat ako sa Ama sa Langit dahil sinagot Niya ang aking mga panalangin. B4 Liahona

Kinabukasan, medyo inasahan ko na muling sasakit ang ngipin ko. Pero hindi na ito sumakit. Halos buong linggo kong inisip na sasakit ulit ang ngipin ko pero hindi na ito sumakit. Noon ko natanto na ang natanggap ko ay basbas ng priesthood at wala itong expiry date. Nagpapasalamat ako na natatamasa ko ang basbas ng priesthood sa aming tahanan. Alam ko na ang priesthood na taglay ng aking asawa ay siya ring priesthood na taglay ng Ama sa Langit at ni Jesucristo. Alam ko na si Propetang Joseph Smith ang naging kasangkapan ng Panginoon sa pagpapanumbalik ng priesthood dito sa lupa. Amihan M. Parinas Paranaque Philippines Stake Paano Ko Magagampanan ang Aking Katungkulan sa Priesthood? SA PAMAMAGITAN NG HALIMBAWA NI ITAY Ni Ram P., 13 Montalban Philippines Stake Natanggap ko ang Aaronic Priesthood at naorden sa katungkulan ng deacon noong nakaraang taon. Masaya ako at natuwa tungkol dito dahil nagkaroon ako ng mga bagong kaibigan at alam ko na makapaglilingkod ako sa Panginoon. Kamakailan, tinawag ako bilang pangulo ng deacons quorum. Medyo bago ito sa akin pero sinuportahan ako ng aking mga magulang. Si itay ang unang nagturo sa akin kung paano gampanan ang aking tungkulin. Sa kabila ng kanyang kaabalahan bilang miyembro ng stake presidency, palagi niya akong pinaaalalahanan tungkol sa kasagraduhan ng aking tungkulin at na pagpapalain ako ng Panginoon kung gagampanan ko ito. Ang mga lider sa aming ward, lalo na si Bishop Tigno, ay lagi akong tinuturuan kung paano ko magagampanan nang mas mahusay ang aking tungkulin. Magandang halimbawa si itay sa akin sa pagganap ko sa aking tungkulin. Lagi niyang tinitiyak na dumadalo kami sa mga pulong namin sa priesthood at sinusuportahan namin ang mga pangangailangan ng korum sa pamamagitan ng pagbibigay ng training. Bilang mayhawak ng priesthood, tinutulungan niya akong lumakas sa katungkulang hawak ko sa pamamagitan ng araw-araw na pagbabasa ng banal na kasulatan. Nagdarasal din ako araw-araw at namumuno sa panalangin ng pamilya tulad ng nakita kong ginagawa ng aking ama. Ang oras ng pagbabahagi sa klase namin sa priesthood ay isang pagkakataon na maibahagi ko ang kaalamang natamo ko sa klase sa seminary at priesthood. Gumaganda ang pakiramdam ko kapag Magandang halimbawa si Itay sa akin sa pagganap ko sa aking tungkulin. Lagi niyang tinitiyak na dumadalo kami sa mga pulong namin sa priesthood at sinusuportahan namin ang mga pangangailangan ng korum sa pamamagitan ng pagbibigay ng training. ARTWORK NI JOSEPH DAGATAN SETYEMBRE 2012 B5

Naniniwala ako na dahil sa priesthood ay mas uunlad sa pisikal, emosyonal at espirituwal ang mga binatilyong katulad ko. Litrato kuha nina Felvir Ordinario Alain Tagpuno Edwin Redrino Noel Maglaque napalalakas ko ang kapwa ko kabataan. Nakikinita ko na magiging missionary ako sa hinaharap tulad ng aking ama. Nagsimula akong magtabi ng bahagi ng aking allowance na itinuro sa akin ng mga magulang ko noong maliit pa ako. Naniniwala ako na dahil sa priesthood ay mas uunlad sa pisikal, emosyonal at espirituwal ang mga binatilyong katulad ko. Alam ko na ang priesthood ay isang sagradong tungkulin mula sa ating Ama sa Langit, na dapat munang ituro sa ating tahanan. Nagpapasalamat ako sa halimbawa ng aking ama. ISANG TUNGKULING MAGLINGKOD Ni Aaron James N. Baligod Quezon City Philippines Stake Bilang kabataang lalaki, ginagampanan ko ang aking priesthood sa pakikibahagi sa mga pulong ng korum namin tuwing Linggo, pagbisita sa mga kabataan naming di-gaanong aktibo, pagtulong sa paghahanda, pagbabasbas at pagpapasa ng sakramento at pagsuporta sa mga desisyon ng aming mga lider ng priesthood. Ginagampanan ko rin ang aking tungkulin sa priesthood sa pagiging mabuting halimbawa at pagtulong sa kapwa ko kabataan na gawin ang kanilang Tungkulin sa Diyos at paghahandang kasabay nila para sa pagmimisyon. Alam ko na kapag ginampanan natin ang ating tungkulin sa priesthood bilang mga kabataang lalaki, lalago ang ating kaalaman sa ebanghelyo. Sa patuloy na paggawa ng ating tungkulin sa priesthood, alam ko na pagpapalain at gagabayan tayo ng Panginoon para maging handa tayong tanggapin ang Melchizedek Priesthood. Alam ko na bilang mga mayhawak ng priesthood, dakilang tungkulin ang paglingkuran ang Diyos. EVA KAY ADAN Ni Ma. Teresa C. Pangilinan ng kaloob na priesthood ay walang Akatumbas. Taglay nito ang awtoridad na kumilos bilang mga lingkod ng Diyos, mangasiwa sa maysakit, magbasbas sa ating pamilya, at pagpalain din ang iba. Ang awtoridad nito ay hanggang sa kabilang buhay, hanggang sa mga kawalang-hanggan. Wala itong katulad sa buong mundo. Ingatan ito, pangalagaan ito, maging marapat para dito (Thomas S. Monson, Kapangyarihan ng Priesthood, Liahona, Mayo 2011, 66-69). Binigyan ng Diyos ang mga babae ng mga banal na katangian na lakas, kabanalan, pagmamahal, at kahandaang magsakripisyo. At taglay ang walangkatumbas na kaloob na ito, ang mga miyembro ng Relief Society, dalagita, at dalaga ay may malaking responsibilidad na suportahan ang banal na awtoridad. Nangalap ako ng mga sagot mula sa ilang kababaihan ng Simbahan kung paano nila masusuportahan ang priesthood: Bilang isang dalagita masusuportahan ko ang katungkulan ng kapwa ko kabataan sa priesthood sa paghikayat sa kanila na una ay tapusin nila ang kanilang Tungkulin sa Diyos. Pangalawa, regular na dumalo sa mga pulong at aktibidad ng Simbahan dahil talagang kapakipakinabang ang mga ito, at pangatlo ay magkaroon sila ng sariling patotoo tungkol sa ebanghelyo. R Paulleana B. A., 15, Cabuyao Philippines Stake B6 Liahona

ilang asawa ng isang bishop, Bumaagapay ako sa iskedyul ng asawa ko. Ipinadarama ko sa kanya na okey lang kahit hindi kami magkakatabi sa upuan bilang pamilya tuwing sacrament meeting. Tinuturuan ko ang mga bata na gayon din ang gawin. Nauunawaan ko na hindi siya perpekto ngunit perpekto ang kanyang tungkulin at awtoridad ng priesthood. Mahalaga ang paggalang. Ma. Morena B. Baylon, QC South Philippines Stake agpapakita ako ng suporta sa Nmga mayhawak ng priesthood sa pagsang-ayon sa kanila at pagtataas ng aking kamay sa mga ward at stake conference. Magbibigay ito sa kanila ng tiwala na handa silang tulungan ng mga miyembro sa lahat ng tungkulin nila. Neneng Meneses, Makati Philippines Stake arinig ko na sa likod ng bawat Nmatagumpay na lalaki ay may isang babae, kaya kung anong uri at magiging uri ng babae tayo ay magkakaroon ng epekto sa kalalakihan ng Simbahan. Kung nais nating maging mabuting impluwensya sa kanila, kailangan nating piliin at gawin ang mga tamang bagay, sundin ang mga utos ng Diyos at magpakita ng mabuting halimbawa sa tapat na pamumuhay ng ebanghelyo. Ang tapat at masunuring kababaihan ay magbibigay-inspirasyon at iimpluwensya sa kalalakihan na maging tapat at gawin ang inaasahan ng Panginoon sa kanila. (Totoo rin naman ang kabaligtaran nito). Venice Rios G. Puerto, Makati East Philippines Stake usuportahan ko ang mga programa Sng Simbahan tulad ng seminary at mga Mutual activity, na alam kong magagandang programa ng ating mga lider ng priesthood. Patricia Anne G., 14, QC South Philippines Stake umaki ako sa piling ng aking Lama at tatlong kapatid na lalaki na matatatag na mayhawak ng priesthood. Alam ko na sa pagkakaroon ng kapangyarihang iyon, may mga responsibilidad sila, kaya ginagawa ko ang lahat para suportahan sila at ipaalala sa kanila ang mga responsibilidad na ito. Adrianne A., 15, Antipolo Philippines Stake ay isang pagkakataon na kinailangan Makong operahan, humingi ako ng basbas ng priesthood sa asawa ko para madama niyang sinusuportahan ko ang kanyang awtoridad. Kapag nagpupunta sa malalayong lugar ang mga anak ko lagi silang humihingi ng basbas sa kanilang ama. Mayroon kaming tatlong anak na lalaki at isang babae. Lahat sila ay lumaki na itinuturing na huwaran ang kanilang ama bilang patriarch at ama sa aming tahanan. Kahit malalaki na sila ngayon, lagi silang humihingi ng payo sa kanya. Sa loob ng 47 taon, mahal ko siya at iginagalang bilang asawa ko, bilang ama ng aking mga anak at bilang mayhawak ng priesthood. Pilar Fonbuena, Morong Rizal Philippines District Itinuro ni Joseph Smith sa kababaihan ng Relief Society ang kanilang maharlikang katauhan bilang mga anak na babae ng Diyos, [na] tinutulungan silang maunawaan na mahal sila ng Diyos at may gagampanan silang mga dakilang layunin. Ang kababaihan sa Simbahan ay may mahalagang papel sa plano ng kaligtasan ng Ama sa Langit na kasinghalaga ng papel ng kalalakihan na mayhawak ng priesthood. Pinagkalooban ng Panginoon ang kababaihan ng likas na hangaring maglingkod at pagpalain ang iba, at ipinagkatiwala Niya sa kanila ang isang sagradong responsibilidad na gamitin ang kanilang mga kaloob sa pagtulong na iligtas ang Kanyang mga anak. Tignan sa Mga Anak na Babae sa Aking Kaharian, p 200. inatototohanan ko na kapag yaong Pmga mayhawak ng tunay na priesthood ng Diyos ay nagsimulang taospusong hingin ang payo ng kababaihan sa Simbahan, at laging hangarin ang kanilang tapat na pagsusuri sa mga bagay-bagay, ang mga mayhawak ng priesthood na iyon ay tatanggap ng higit na inspirasyon mula sa langit na pamunuan at pasiglahin ang mga anak ng Diyos sa mundong ito. Elder Eleazar Collado, Area Seventy Ang tapat at masunuring kababaihan ay magbibigayinspirasyon at iimpluwensya sa kalalakihan na maging tapat at gawin ang inaasahan ng Panginoon sa kanila. SETYEMBRE 2012 B7

MGA MITHIIN NG PHILIPPINES AREA Sagipin ang Nawawala Tutulungan Sila na Makabalik sa Kawan Ni Sariah Guanzon-Ordinario Isa sa mga mithiin ng Philippines Area Presidency para sa Simbahan ngayong 2012 ay isali kapwa ang mga miyembro at missionary sa pagsagip sa nawawala. Ibinahagi nina Elder at Sister Bevan ng Philippines Bacolod Mission ang sumusunod na kuwento kung paano nauwi ang mga pagsisikap ng mga missionary at lider ng priesthood na isakatuparan ang mithiing ito sa pagsagip sa nawawala, na nauwi naman sa pagsagip sa kanyang buong pamilya. Tumigil sa pagsisimba ang pamilya Baba mula sa Bacolod walong taon na ang nakararaan. Ang nabinyagan lamang sa pamilya ay ang mag-asawa at ang panganay nilang anak, ang 17-taong-gulang na si Jennifer. Matapos ipahayag ng Area Presidency ang mga mithiin ng area para sa taong 2012, agad kumilos ang branch president ni Brother Baba sa pagsagip sa nawawala, at nahanap ang pamilya Baba noong Disyembre 2011. Pagkaraan ng isang buwang pagtuturo at ilang interbyu ng branch president, nagbalik si Brother Baba sa Simbahan. Kalaunan ay bininyagan niya ang tatlo sa kanyang mga anak at inorden ang kanyang anak na si John sa katungkulan ng teacher. Noong Marso 4, 2012, tinanggap ni Brother Baba ang Melchizedek Priesthood, kaya nabigyan niya ng pangalan at basbas ang dalawang bunso niyang anak. Dahil sa katapatan at tulong ng branch president na ito, nakapunta ang dalawa sa mga anak ng pamilya Baba, sina Jennifer at John, sa Cebu Temple kasama ang mga kabataan at nagsagawa ng mga binyag para sa mga patay. Ang mga bata, sa tulong ng kanilang pamilya, ay talagang nagpakahirap at nagsakripisyo para makapunta sa Cebu Temple at ngayon ay nagbago na ang pamilya dahil sa mga karanasang ito. Sa isang elders quorum meeting na dinaluhan ni Elder Bevan, ipinakita niya sa korum kung paano maglaan ng langis na ipapahid sa may karamdaman at naghihirap. Nang sumunod na linggo mayroon na silang langis at kani-kanyang lalagyan at nagtanong kung sino ang gustong maglaan ng sarili nilang langis. Walong lalaki ang pumila at isa si Brother Baba sa kanila. Bagama t nahirapan ang mga lalaking ito sa pagbasa ng basbas sa wikang Ingles, walang isa man sa kanila ang nag-alangang isagawa ang sagradong pagbabasbas na ito. Ang pagbalik ng pamilya Baba sa Simbahan ay pambihira, dahil sa dami ng mga pagbabagong nangyari sa kanilang buhay, gayundin sa buhay ng kanilang mga anak. Ibinahagi pa nina Elder at Sister Bevan, Ang kailangan ngayon nina Brother at Sister Baba, tulad ng lahat ng sinasagip at tinutulungan nating makabalik sa kawan, ay mga tungkulin at tulong sa paghahanda sa temporal at espirituwal upang makapunta sa templo para tumanggap ng sarili nilang endowment at magsagawa ng mga ordenansa sa templo. Sinabi ni Elder Ian Ardern tungkol sa mga pagsisikap nating sagipin ang nawawala, Umaasa kami na bawat miyembro ay sasagip ng isang tao ngayong taon. Para makatulong sa gawaing ito, kailangan ninyong kumilos. Kailangan ninyo talagang humayo at gumawa ng isang bagay. Maaaring kayo ang taong makagawa ng kaibhan sa buhay ng iba. Isang pagpapala ang magkaroon ng matatapat na lider na tulad ng branch president na ito na isinabuhay ang mga salita ng himnong kami y agad sasaklolo, at tutulungan sila. ( Nasa Puso ng Pastol, Mga Himno, 134). Para makatulong sa gawaing ito, kailangan ninyong kumilos. Kailangan ninyo talagang humayo at gumawa ng isang bagay. Maaaring kayo ang taong makagawa ng kaibhan sa buhay ng iba. B8 Liahona