Islamikong Kaugalian Ukol sa Bagong Silang na Bata Mula Pagsilang Hanggang sa Paglaki

Similar documents
Panimula 1. Minsan ba ay pinangarap mong maging artista o kaya ay pulitiko? Bakit?

Next to the birth of Jesus in December, Holy Week is next in terms of solemnity and rituals or practices on the part of observers and believers.

Ang Mga Biyaya ng Pag-aayuno [Tagalog] Reviewed by: Salamodin D. Kasim

Rev. D. Kleyn, PRCA Missionary. Mga Araw ng Panginoon ng Katekismong Heidelberg Ang Pagbasa ng Kasulatan: Mga Gawa 16:14-34

GENESIS 50:20 Pagbasa ng Kasulatan: Genesis 37:12-36, 50:14-21

Protestant Reformed Missions

BLESSED SONS OF ABRAHAM

Ang Limang Haligi ng Islam Ni: Ahmad J. Salas / PLPHP - ISCAG Philippines

I PEDRO 3:15. Ang Teksto ng Sermon: I Pedro 3:15. Rev. D. Kleyn, PRCA Missionary

JOB 2:9-10. Ang Teksto ng Sermon: Job 2:9-10. Rev. D. Kleyn, PRCA Missionary

Alone with God in Prayer

You Must Be Born Again

Rev. D. Kleyn, PRCA Missionary. Araw ng Panginoon 21 (T&S 55) ng Katekismong Heidelberg Ang Pagbasa ng Kasulatan: Mga Taga-Roma 12:1-16

Christ the Healer International Fellowship

HOPING IN GOD FROM GENERATION TO GENERATION Building Households of Faith in Our Church

(This book is available in

Protestant Reformed Missions in the Philippines

Araw ng Panginoon 45 ng Katekismong Heidelberg Scripture Reading: Awit 55

JUDGES 2:10. Isang Henerasyon Na Hindi Kilala Si Jehovah I. Ang Kahulugan II. Ang Dahilan III. Ang Kahalagahan

Teksto ng Pangaral: MATEO 24:36-42

- ALL OF GRACE PROTESTANT REFORMED FELLOWSHIP - Rev. R. Smit, PRCA Missionary - Bagong Sikat, Gabaldon, Nueva Ecija - 6 January 2013.

All of Grace Protestant Reformed Fellowship Gabaldon, Nueva Ecija 22 April 2012 Genesis 1:20-25

دليل احلاج والمعتمر GABAY NG HAJJI AT MU TAMIR فلبيني. Committee of Islamic books distribution for Hujjaj and Mutamir

The Path of True Happiness

Protestant Reformed Missions in the Philippines

Part 17: Disciple (9:18-36) December 1, 2013

LABBAYKA ALLAHUMMA AN (FULAN).

Rev. D. Kleyn, PRCA Missionary. Mga Araw ng Panginoon 29 ng Katekismong Heidelberg Ang Pagbasa ng Kasulatan: Mateo 26:17-30

Rev. D. Kleyn, PRCA Missionary. Ang Teksto ng Sermon: I Corinto 15:55-57 Ang Pagbasa ng Kasulatan: I Corinto 15:35-58

Scripture Reading: Mga Roma 3 Psalter Numbers: 411, 114, 378, 69, 196

... Nais Kong Yumakap sa Islam Nguni t א W א. Omar Al-Hafiz

Kapatiran Sa Islam MGA NILALAMAN. Mga Panitik na Ginamit.. Pambungad 1 2 Panimula. 3 6 Mga Tungkulin at Karapatan sa Islamikong Kapatiran 7 19

Investment (Luke 19:11-27)

Psalm 139:17-18 MGA AWIT 139: Rev. D. Kleyn, PRCA Missionary

All of Grace Protestant Reformed Fellowship Rev. R. Smit, Missionary - Bagong Sicat, Gabaldon, Nueva Ecija - 8 July 2012

All of Grace Protestant Reformed Fellowship Gabaldon, Nueva Ecija 22 January 2012

LUCAS 9:61-62 LUKE 9:61-62

Sa Ngalan ng Allah Ang Pinakamaawain at Pinakamahabagin. At itakda ang pagdarasal sa magkabilang dulo ng maghapon at

A Candle for HOPE Honest, Orderly and Peaceful Elections Liturgy / Prayer Component

All of Grace Protestant Reformed Fellowship Rev. R. Smit, Missionary - Bagong Sicat, Gabaldon, Nueva Ecija - 8 July 2012

Katekismong Heidelberg, Araw ng Panginoon 6a (II Peter 3)

Protestant Reformed Missions In The Philippines

Teksto ng Pangaral: MATEO 28:5-8

Muhammad. Ang Sugo ng Allah. Ni Dr. Abd Ar-Rahman bin Abd Al-Kareem Ash-Sheha. Isinalin sa Wikang Pilipino nina:

literary section poems

MUHAMMAD SUGO SA SANGKATAUHAN

Nagpapasalamat ako na matipong

Ang Pagbasa ng Kasulatan: Awit 104:1-24

All Of Grace Protestant Reformed Fellowship in Gabaldon

II CORINTO 5:7. Rev. D. Kleyn, PRCA Missionary. Pagbasa sa Kasulatan: II Corinto 4:17-5:10 Psalter Numbers: 71, 322, 51, 87, 196

II Corinto 5:10. FACING THE FINAL JUDGMENT I. The Great Judgment Day II. Our Comfort Concerning It

Part 54: Hearts Burning (Luke 24:13-35)

Mashāri'ul Ashwāq ilā Masāri'ul Ushāq wa Muthīr Al-Gharām ilā Dārus Salām. Ni Shaykh Abī Zakariyyah Al-Dimashqī Al-Dimyatī "IBN NUHĀS"

Genesis 7: All of Grace Protestant Reformed Fellowship Rev. R. Smit, Missionary - Bagong Sikat, Gabaldon, Nueva Ecija - 3 February 2013

MY LAST SOAR MY LAST HURRAH IN THE SKY

THE PRESS FOR HELP PROJECT Concept, program and working paper of Emmanuel Mario B Santos and his Marc Guerrero Communications Inc.

Part 44: Prophet, Priest and King (Luke 19:28-48)

COMMISSION ON LITURGY AND POPULAR RELIGIOSITY

Trends, Practices, and Perspectives in Values and Religious Education. +Pablo Virgilio S. David

ABIDE IN ME - JESUS FRUITLESS CHRISTIANS?

Leaders' Empowerment and Discipleship APR-JUN

Aklat ni Mormon. Gabay sa Pag-aaral ng Miyembro ng Klase

GRACECOMM PRIMER. Baliwag Bible Christian Church. treasuringchrist

Katekismong Heidelberg, Araw ng Panginoon 4 (Mark 9:30ff)

MGA TAGUBILIN para sa KURIKULUM 2012

Tunay na Pagsasaksi (o, Ngayong Natagpuan Ko ang Islam, Ano ang Gagawin Ko Rito? )

All of Grace Protestant Reformed Fellowship Gabaldon, Nueva Ecija 25 SEPTEMBER 2011

Mga Turo ng mga Pangulo ng Simbahan. Ezra Taft Benson

10 ABRIL 2016 IKA- 3 LINGGO NG PASKO NG MULING PAGKABUHAY - K PUTI. +Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan (Jn 21:1-19)

Mga Pangunahing Paniniwala Sa Islam

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN WILFORD WOODRUFF

PAGHAHANDA SA PAGPASOK SA BANAL NA TEMPLO

Mga Turo ng mga Pangulo ng Simbahan. Joseph Fielding Smith

EASTER VIGIL MASS - Holy Saturday, March 26, :00 p.m. Liturgy of the Word. 1st Reading (Gn 1: )

Doktrina at mga Tipan at Kasaysayan ng Simbahan. Gabay sa Pag-aaral ng Miyembro ng Klase

Ang Sakramento. Naghihintay sa atin ang. Mga Balita Dateline Philippines MENSAHE NG AREA PRESIDENCY

WISHING YOU A JOYFUL AND PEACEFUL NEW YEAR 2009! MANIGONG AT MAPAYAPANG BAGONG TAON

The Filipino CATHOLIC. VOL. 16, NO.11 Spreading the Good News June 13 - July Santakrusan& Flores de Mayo. Sa New York

بسم هللا الرحمن الرحيم

PINAGKALOOBAN MULA SA KAITASAN

MESOPOTAMIA. Ang Unang Kabihasnan

2000 ABA GINOONG MARIA

Instruction Meaning In Tagalog Of Indeed Sa >>>CLICK HERE<<<

Ang Aklat ni Mormon. gabay sa pag-aaral ng estudyante

Urbana at felisa english version summary. Urbana at felisa english version summary.zip

2And the earth was without form, and void; and darkness was upon the face of the deep. And the Spirit of God moved upon the face of the waters.

YEAR XII NO. 3 OFFICIAL NEWSPAPER OF THE ARCHDIOCESE OF LIPA

Arman Ali Ghodsinia. College of Science and Pagmamalasakit

Mga Mobile Device sa Sacrament Meeting? p. 26 Ang Susunod na Ordenansa na Kailangan Ninyo, p. 18 Ang mga Layunin ng Diyos ay Hindi Mabibigo, p.

Complete the following statement: one of the most embarrassing moments of my life was when... 1) Form the core of your NCD Implementation Team

Good Morning brothers and sisters in Christ. Welcome to the Filipino Catholic Mission of Montreal.

Judges 1:2 Yahweh answered the Israelites, The tribe of Judah will go. I'll cause the men of Judah to defeat the Canaanites.

3/1/2014. Paano natin masasabing siya na ang The One?

CATHOLIC PATEROS, NJ. The Filipino. San Roque & Santa Martha devotees recreate beloved Philippine tradition

Keynote Address of Bishop Ambo David at the CEAP National Convention Oct. 3, 2018 SMX Convention Center, Pasay City

UNANG GRADUATION... P. 2

Republic of the,philippines Depaxtmento{ Justice National Prosecution Service City Prosecution Office Olongapo City COUNTER-AFFIDAVIT

11 DISYEMBRE 2016 IKA-3 LINGGO NG ADBIYENTO - A ROSAS

LESSONS ON THE UCCP STATEMENT OF FAITH A Sunday School Guide for Youth

Music Ministry Songbook ~Youth of San Antonio~ Version 1.2

Transcription:

أ א א א א א Islamikong Kaugalian Ukol sa Bagong Silang na Bata Mula Pagsilang Hanggang sa Paglaki Isinalin sa Wikang Pilipino Ni Yusuf Alaiden Butucan

Copyright This book is not copyrighted. Any or all parts of this book may be used for educational purposes as long as the information used is not in any way quoted out of context or used for profit. This material has been reviewed and forwarded for publishing and distribution by the Filipino language section of the Department of Islamic Resources. Form #: 4327 Date: 02/13/2006 Reviewed by: Norajed A. Maguid If you have any corrections, comments, or questions about this publication, please feel free to contact us at: fil@islamhouse.com www.islamhouse.com 1

Sa Ngalan ng Allah, Ang Mahabagin, Ang Maawain Ang lahat ng papuri ay para sa Allah, na Siyang nagkaloob sa inyo ng asawang palaanakin at ibinilang kayo sa mga tao na ang kanilang mga anak ay kanilang tagasunod. Ilan bang kalalakihan at kababaihan ang naging baog at hindi nagkaroon ng kahit isang anak? Tunay na ang pagkakaroon ng anak ay isang malaking biyaya mula sa Dakilang Allah. Ang kayamanan at mga anak ay palamuti lamang ng buhay dito sa mundo. (Al-Kahf 18: 46) Samakatuwid, maging lalaki man o babae ang magiging anak, buong pusong tanggapin mo ito bilang biyaya ng Allah nang may kagalakan, kasiyahan, pasasalamat at pagpupuri. Sapat na sa isang supling na buo ang lahat ng bahagi ng katawan, normal at malayo sa anumang sakit. Magkagayo y purihin ang Allah, ang Pinakamagaling na Manlilikha, Siyang nagkaloob sa iyo ng supling sa pamamagitan ng Kanyang Habag at Awa. Siya ang nagkaloob ng babaing supling sa sinumang Kanyang naisin, at nagkaloob ng lalaking supling sa sinumang Kanyang naisin. O di kaya y nagkaloob ng kapwa mga babae at mga lalaki at pinangyayari Niyang maging baog ang sinumang Kanyang naisin. (Surah as-shura 42:49-50) Si Propeta Muhammad (Sallallahu Alaihi Wasallam) ay mayroong apat na anak na babae. Nang ang Imaam ng Ahlus-Sunnah, na si Ahmad bin Hambal ay nagkaroon ng anak na babae kanyang sinabi, Si Propeta Muhammad ay ama ng anak na mga babae, at alam na ninyo kung ano ang Hadeeth tungkol sa anak na babae. Ang ibig niyang sabihin ay ukol sa kahalagahan ng pagpapalaki at pangangalaga sa kanila. Ang kaugaliang di pagkagusto sa pagkakaroon ng anak na babae ay mula sa gawain ng mga tao noong panahong nawala ang Islam o tinatawag na panahon ng kamangmangan (Yawm al Jahileeyah)1. Gayunpaman, sa Islam, sila (mga anak na babae) ay isa sa mga dahilan upang makamit ang Paraiso (sa kabilang buhay). Si Propeta Muhammad ay nagsabi: Sinuman ang mangalaga ng kanilang dalawang anak na babae hanggang sa sila ay umabot sa tamang gulang, sa Araw ng Paghuhukom, siya at ako ay maging ganito. At kanyang pinagdikit ang kanyang mga daliri sa bawa t isa. (Muslim) Ang pagpapalaki at pangangalaga ng anak na lalaki ay nakadadagdag ng mabubuting gawa sa timbangan ng mga gawa kung sila ay pinalaki sa kagandahang asal. Si Propeta Muhammad ay nagsabi: 1 Ang tinutukoy na kamangmangan dito o Jahileeya ay yaong kawalan ng tamang katuruan ng Islam. Tulad halimbawa ng tamang konsepto ng pagkilala sa natatanging nag-iisang Diyos at kagandahang asal. 2

Kapag ang anak ni Adan ay patay na, lahat ng kanyang mga gawain ay mapuputol na maliban lamang sa tatlo. Isa sa tatlong bagay na ito na kanyang binanggit ay: Ang anak na matuwid (may takot sa Allah) na palagiang nananalangin para sa kanya. (Muslim) At kanya pang sinabi: Tunay na tataas ang antas ng alipin (sa Araw ng Paghuhukom), kaya siya ay magsasabi: O aking Panginoon! Paano ko nakamit ang mga ito? Ang Allah ay magsasabi, Sa pamamagitan ng iyong anak o mga anak na palagiang humihiling ng kapatawaran para sa iyo kahit ikaw ay patay na. (Ahmad)2 Ang pagdami ng bilang ng supling mula sa Ummah (Tagasunod) ni Propeta Muhammad ay malinaw na kapakinabangan ng paglago ng mananampalataya sa Nag-iisang Allah at pagtatag ng pangangalaga sa relihiyon at sa pagpapalaganap nito. Ang Sugo ng Allah ay nagsabi: Pakasalan ang babaing mapagmahal at palaanak, sapagka't tunay na aking hinahangad na malampasan ko ang ibang Propeta (kanilang tagasunod) kasama kayo sa Araw ng Paghuhukom. (Ahmad)3 Kaya't maligayang pagbati sa iyo sa pagkakaroon ng pinagpalang kabiyak, na nagsilang ng mga anak na babae at lalaki para sa iyo. Mga Gawaing Batay sa Sunnah at Kaugaliang Pang-Islam para sa Bagong Silang na Bata Pagbigkas ng Adhaan sa tainga ng bata: Ang dahilan sa pagsagawa ng unang Sunnah na marinig ng bata ang tawag ng katotohanan ay upang sa ganoon ay masanay ang bata, sa kanyang paglaki na naririnig ang tinig na ito na inuulit ng limang beses sa isang araw. Sa ganito, inaasahang siya'y mapapabilang doon sa mga nagmamahal dito (sa Adhaan) at magmadaling gampanan ang dakilang tungkuling ito (ang itinakdang tungkulin ng pagdarasal). Ang Adhaan ay binibigkas sa kanang bahagi ng tainga ng bata. Naiulat mula kay Aboo Raafi na nagsabi: Nakita ko ang Sugo ng Allah na binigkas ang Adhaan sa tainga ni Al-Hassan bin Ali nang ipanganak siya ni Fatima. (Aboo Daawood)4 Pagsasagawa ng Tahneek para sa bata: Sa dalawang Saheeh (Al-Bukhari at Muslim) naiulat mula kay Abu Burdah na si Abu Moosa ay nagsabi: May anak akong lalaki at dinala ko sa Propeta 2 Ang Hadeeth na ito ay itinuring ni Albanee bilang mapananaligan. Tingnan sa As-Saheehah, blg. 1598, Al- Mishkaat, blg.2354, at Saheeh Ibn Majah, blg.2953. 3 Ang Hadeeth na ito ay isinalang-alang ni Albanee bilang mapananaligan (Saheeh) sa Saheeh Al-Jamami As- Sagheer, Vol. 1 blg.2940. At ito din ay naitala din sa Abu Dawood at An-Nasaa e. 4 Ang Hadeeth na ito ay itinuring ni Albanee bilang mapananaligan sa Saheeh Al-Kalim At-Tayyib, ngunit pagkalaunan pagkatapos niyang pag-aralan ang kawing ng mga nag-ulat nito sa aklat ni Baihaqee na Shu ab Al- Eemaan, napagtanto niya na ito ay mahinang uri ng Hadeeth na hindi dapat isakatuparan. Kanya itong itinuring bilang di mapanaligan (mahinang uri) sa Adh-Dha eefah, blg. 321. 3

at kanyang pinangalanang Ibraheem at kumuha ng bunga ng datiles (at dinurog at pinalambot sa pamamagitan ng kanyang laway) at ipinahid ito sa gilagid ng bata. Dagdag sa pahayag ni Al-Bukhari, At idinalangin niya sa Allah ang biyaya para sa bata at kanyang ibinalik (ang bata) sa akin. Ang Tahneek ay pagpapalambot ng tuyong bunga ng datiles sa pamamagitan ng pagnguya nito sa bibig at ito y ihahaplos sa gilagid ng bata pagkasilang. Ilalagay ng taong nagsasagawa nito ang datiles sa kanyang daliri at isusubo ito sa bibig ng bata, at saka niya igalugad ito nang kanyang daliri sa kaliwa t kanang bahagi ng bibig ng bata. Pagbibibigay ng magandang pangalan sa bata: Sa pagbibigay ng pangalan sa bata, kinakailangan ang layunin ay pagsamba sa Allah at pagiging malapit sa Kanya. Ang tamang panahon ng pagbibigay pangalan sa bata ay sa ika-pitong araw mula ng isilang ang bata. Ito y ayon sa Hadeeth ni Samura na kanyang isinalaysay na ang Propeta ay nagsabi: Itinalaga sa bawat batang lalaki ang pagsagawa sa kanya ng Aqeeqah. Kung saan sa kanyang ika-pitong araw siya ay ipagkakatay ng hayop (kambing o tupa). Pangalanan siya sa araw na yaon, at ahitin ang kanyang buhok sa ulo. (Ahmad)5 Ang pagbibigay ng pangalan sa bata ay maaari ding isagawa sa araw kung kailan siya isinilang. Ito y batay sa sa sinabi ng Propeta: Sa gabing ito, isang batang lalaki ang isinilang sa akin at pinangalanan ko siyang Ibraheem mula sa pangalan ng aking ama. (Muslim) Samakatuwid, ang pagbibigay ng pangalan sa bata ay isang bagay na napakagaan, kaya purihin ang Allah. Ang pagbibigay ng pangalan sa bata ay karapatan o tungkulin ng magulang. Kung mayroon mang di-pagkakaunawaan, ang ama ang siyang may karapatang magpasiya. Kung nais ng ama, siya ang magbibigay ng pangalan, o di kaya y ipaubaya sa ina ng bata ang pagpili ng pangalan, o magkasamang magpasiya sa pagbibigay pangalan sa bata. Maaari ding ipaubaya sa lolo o lola ng bata o sa ibang tao ang pagbibigay pangalan sa kanya. Kinakailangan sa isang bata ang mabigyan ng isang magandang pangalang Muslim. Ang mga pangalang kalugud-lugod sa Allah ay Abdullah at Abdur-Rahman. Ito ay ayon na rin sa Hadeeth ng Propeta na kanyang sinabi: Tunay, ang pangalang [itinuturing na] pinakamamahal ng Allah, ang Makapangyarihan at ang Dakila ay Abdullah at Abdur-Rahman. (Muslim) Gayundin, maaari ring ibigay ang mga pangalang nagpapahiwatig ng pagpapakumbaba at pagsamba sa Allah, tulad ng Abdur-Raheem, Abdul-Lateef at iba pa. 5 Ang Hadeeth na ito ay itinuring ni Albanee bilang mapananaligan (Saheeh) sa Saheeh Al-Jamami As-Sagheer, Vol. 2 blg.4541. At ito din ay naitala sa Abu Dawood at An-Nasaa e, Ibn Maajah, at ni Al Haakim. 4

Kabilang din sa mga magagandang pangalan ay ang pangalan ng mga Propeta at Sugo (Sumakanila nawa ang kapayapaan). Ang sabi ng Propeta: Pangalanan [ang inyong mga anak] sa pangalan ng Propeta. (Ahmad)6 Ang susunod na magagandang pangalan ay mga pangalan ng mga Sahaba (kasamahan ng Propeta), mga pantas, mga martir at mga nagpapalaganap ng Islam. Halimbawa: Abu Bakr, Umar, Uthman, Ali, Sa ad, Talhah, Muawwiyah, Urwah, Suhail, Mus ab, Yaasir, Ammar, Aasim, Anas at marami pang iba. Sa mga batang kababaihan naman, pangalanan sila katulad ng pangalan ng mga asawa ni Propeta Muhammad, pangalan ng kanyang mga anak at mga kababaihan na kilala sa kanilang pagiging mabuti at matuwid sa pagsunod sa pananampalatayang Islam. Halimbawa: Khadeejah, A ishah, Fatimah, Asma, Sumayyah, Nusayba, Khawlah at marami pang iba. Maaari ring pangalanan ang bata ng mga pangalang nagbibigay ng maganda at kaaya-ayang kahulugan, katulad ng Hamza, Khaalid, Usaamah, Haarith at Hammaam. Sa babae naman ay Saarah, Suaad, at Afaaf. Maaari ring itulad ang pangalan ng bata sa pangalan ng kanyang lolo o lola kung ang kanilang mga pangalan ay may magagandang kahulugan. Ang Mga Pangalang Hindi Pinahihintulutang Gamitin. Ang mga ipinagbabawal na mga Pangalan: 1. Mula sa mga pangalang hindi pinahihintulutan ay ang pangalang nagpapahiwatig ng pagsamba at pagsunod sa iba bukod sa Allah. Halimbawa, Abdun-Nabi (Alipin ng Propeta), Abdur-Rasul (Alipin ng Sugo), at iba pang pangalang katulad nito. 2. Mula sa mga pangalang hindi pinahihintulutan ay mga pangalang banyaga na ginagamit ng mga di mananampalataya (di-muslim), katulad ng George, Yara, Diana, Jacquelyn at iba pa. Pinagbabawal ang paggamit ng pangalan ng kriminal o masasamang tao, katulad ng Fir awn (Pharoah), Abu Jahl, Marx at iba pa. Ang Mga Pangalang di kanais-nais ayon sa Batas Islamiko, Kaugalian at Panlasa. 1. Mula sa mga pangalang di kanais-nais ay kabilang ang mga pangalang nagpapahiwatig ng pagsunod sa pangalang sinasabi nilang mula sa mga pangalan ng Allah. Halimbawa: Abdul- Mawjood, Abdul-Maqsood, at Abdus-Sattaar. 6 Ang Hadeeth na ito ay itinuring ni Sheikh Al-Albanee bilang mahinang uri ng hadeeth sa Dha'eef Al-Jaami As- Sagheer, bilang 2435. Ito'y naitala din sa Aboo Daawood, An-Nasaa'ee, at sa Al-Adab Al-Mufrad ni Al-Bukhari 5

2. Mula sa mga pangalang di kanais-nais ay ang mga pangalang naglalaman ng salitang hindi maganda ang kahulugan, tulad ng Harb (Digmaan), Himaar (Asno) at Kalb (Aso) 3. Isa rin sa magandang kaugalian ay ang mailayo ang bata sa mga pangalang nagpapahiwatig ng kaluwagan (sa pananampalataya), pagkahumaling at pagtakwil laban sa kahinhinan o kapitapitagan. Halimbawa: Hayaam (Pagsisintahan), Nahhaad (Maumbok ang suso), Sahhaam (Kunotnoo), and Faatin (Magalitin). 4. Hindi rin kanais-nais na bigyan ang bata ng pangalang nangangahulugan ng kabanalan at kadalisayan sa pananampalataya para sa taong nagkaloob nito. Halimbawa: ay Barrah at iba pang mga pangalang katulad nito. 5. Hindi rin kanais-nais na pangalanan ang bata katulad ng pangalang Anghel, kagaya ng Malaak. 6. Hindi rin kanais-nais na pangalanan ang bata katulad ng kabanata (Surahs) sa Qur an, tulad ng TaHa, Ya-Seen, at iba pang pangalan ng Surah. 7. Hindi rin kanais-nais gamitin ang mga pangalang Yasaar, Rabaah, at Barakah. 4. Ang Aqeeqah Ang Aqeeqah ay Sunnah na lubos na itinatagubilin. Ang Propeta ay nagsabi: Itinalaga sa bawat batang lalaki ang pagsagawa sa kanya ng Aqeeqah. Kung saan sa kanyang ika-pitong araw siya ay ipagkakatay ng hayop (kambing o tupa). Pangalanan siya sa araw na yaon, at ahitin ang kanyang buhok sa ulo. (Ahmad)7 Ipagkatay ng dalawang tupa para sa batang lalaki at isa para sa batang babae. Ang Propeta ay nagsabi: Para sa batang lalaki, dalawang tupa na may angkop at katamtamang laki (ang kakatayin) at sa batang babae ay isang tupa naman (ang kakatayin). (Ahmad)8 Ang katawagang Aqeeqah ay nasasakop nito ang kapwa lalaki at babaing tupa o kambing, sapagkat ang salitang Shaah sa wikang Arabik na ginamit sa Hadeeth ay nabibilang at 7 Ang Hadeeth na ito ay itinuring ni Albanee bilang mapananaligan (Saheeh) sa Saheeh Al-Jamami As-Sagheer, Vol. 2 blg.4541. At ito din ay naitala sa Abu Dawood at An-Nasaa e, Ibn Maajah, at ni Al Haakim. 8 Ang Hadeeth na ito ay naitala sa Abu Dawood at An-Nasaa e at itinuring ni Albanee bilang mapananaligan (Saheeh) sa Saheeh Abee Daawood, Vol.2 blg.2834. 6

sumasaklaw silang lahat. Ngunit higit na mainam na katayin ang lalaking tupa. Ang Propeta ay nagsabi: Ang Aqeeqah (hayop) ay kakatayin sa ika-pitong araw (mula nang isilang ang bata), o sa ikalabing-apat na araw, o sa ika-dalawampu't isang araw. (At-Tabaraanee)9 Ang mga magulang ng bata ay maaaring kainin ang ⅓ bahagi ng karne ng Aqeeqah; ipamigay ang ⅓ na bahagi bilang kawanggawa at ipamigay ang nalalabing ⅓ na bahagi (sa mga kaibigan o kamag-anak at pamilya). Hindi nararapat sa Aqeeqah (hayop) na baliin ang mga buto nito. 5. Pag-aahit ng buhok sa ulo ng Bata Mula sa kaugalian ng batas Islamiko na kapag ang bata ay naisilang, ang kanyang buhok sa ulo ay aahitin pagdating ng kanyang ika-pitong araw. Nangangahulugan na ito y isinasagawa kasabay sa araw ng pagkatay ng Aqeeqah (hayop). Si Propeta Muhammad ay nagsabi kay Fatimah nang siya y nagsilang sa kanyang anak na si Al-Hasan, Ahitin ang buhok ng kanyang ulo at ang katumbas na bigat nito (ng buhok) sa halaga ng pilak ay ipamigay sa mahihirap bilang kawanggawa. (Ahmad)10 At kanya (Fatimah) itong inahit at tinimbang ang buhok, at ang bigat nito ay katumbas ng isang Dirham (isang baryang pilak) o kabahagi ng Dirham. Sa pag-aahit ng ulo, ang kanang bahagi ang dapat unahin bago ang kaliwa. 6. Pagtutuli Ito ay mula rin sa kaugalian ng batas Islamiko na ang bata ay kinakailangang tuliin. Ang Propeta ay nagsabi, Ang Fitra (Likas sa Tao) ay binubuo ng limang bagay 11 Isa sa limang bagay na ito ay ang pagtuli. Ang pinakamaiging pagsagawa ng pagtuli ay sa ika-pitong araw ng bata mula nang siya ay isilang. Pinahihintulutan ding isagawa ito bago o pagkatapos ng ika-pitong araw, hanggang sa siya ay umabot ng pagbibinata. Kapag ang bata ay umabot na sa pagkabinata at hindi pa rin naisagawa ang pagtuli, magiging takdang tungkulin na itong gawin sa kanya. 9 Ang Hadeeth na ito ay naitala ni Al-Baihaqee sa kanyang Sunan, at ayon kay Al-Albaanee sa Irwaa Al-Ghaleel blg. 1165, ito y mahinang Uri ng Hadeeth (Dha eef) 10 Ang Hadeeth na ito ay naitala ni Al-Tirmithee at ni Al-Haakim, at itinuring ni Albanee bilang mapananaligan (Saheeh) sa Saheeh At-Tirmithee, Vol.2 blg.1226. 11 Ang kabuuan ng Hadeeth na ito ay ganito, Limang bagay ay mula sa gawaing Fitrah: Pagtutuli, Pag-aahit ng buhok sa maselang bahagi ng katawan, Paggupit ng bigote, pagputol ng kuko (paa at kamay), at pagbubunot (ahit) ng buhok sa kilikili. Ang Hadeeth na ito ay naitala sa Al-Bukhari, Muslim at Ahmad. 7

7. Pagbibigay ng Palayaw sa maliit na bata Napag-alaman sa Sunnah ng Propeta na maaari ding bigyan ng palayaw ang bata. Ito ay sa pamamagitan ng pagtawag sa bata ng Abu ni (Ama ni ), at kung sa babae naman ay Umm ni (Ina ni ). Ito y isinasagawa upang maging matatag ang pag-uugali ng bata at maging karangalan para sa kanya. At pinananatili ring mailayo ang bata sa di magagandang palayaw o katawagan. Panghuling Salita para sa mga Magulang Pagsumikapan ang pagpapalaki at paghubog ng inyong mga anak sa magandang pamamaraan. Sikaping itanim sa kanilang mga sarili ang kaugaliang pang-islamiko simula sa kanilang pagkabata. Kayo ay nararapat maging huwaran sa inyong mga anak. Katotohanan, ang bata ay lalaki batay kung ano ang nakagisnan niya sa kanyang mga magulang. Ngayong magulang ka na rin, at alam mo kung ano ang mahalagang tungkulin ng isang magulang, sikapin mong maituwid ang nalalabi mo pang buhay at pilitin mong maging masunurin sa sariling magulang at pakitunguhan sila ng mabuti at may kabaitan at pagpapakumbaba. Nagsisimulang tumubo ang mapuputi mong buhok sa iyong ulo at ito y nagpapahiwatig sa iyo bilang pagtatapos ng iyong buhay dito sa mundo. Kaya gugulin ang iyong nalalabing buhay sa pagiging masunurin sa Allah. Iwasan mong ibigay sa iyong mga anak ang ipinagbabawal na yaman. Si Propeta Muhammad ay nagsabi: Ang bawa't katawan na nabubuhay sa ipinagbabawal na kinita, ang Apoy sa Impiyerno ang higit na makikinabang nito. (Ahmad)12 Paramihin ang iyong panalangin (Du aa) sa Allah para sa iyong sarili at sa iyong mga anak, sapagkat katotohanan ito y kaugalian ng mga Propeta at ng mga taong matutuwid. Kung sakaling ang bata ay lumaki sa pagiging matuwid at masunurin, siya ay magsisilbing kayamanan mo kahit na ikaw ay patay na. Samakatuwid, sikapin mong matamo ang mga ito sa pamamagitan ng pagpili ng mabubuting kasamahan para sa iyong mga anak. Ilayo mo sila sa 12 Ang Hadeeth na ito ay naitala ni Abu Nu aym sa Al Hilyah, at ito y itinuring ni Shiekh Al-Albaanee bilang mapanaligan (Saheeh) sa Saheeh Al-Jaami As-Sagheer, Vol.2 blg.4519 8

masasamang kaibigan at panatilihin mong ilayo sa mga masasamang bagay ang iyong pamamahay. Nawa y ang pagpapala ng Allah ay mapasakanyang huling Propeta na si Muhammad. (Para sa karagdagang kaalaman, mangyaring basahin ang aklat na pinamagatang Tuhfat Al- Mawdood bi Ahkaam Al-Mawlood ni Ibn Al-Qyyim Al-jawziyyah.) Sa Pilipinas, mangyaring makipag-ugnayan sa ISCAG-Philippines sa anumang karagdagang kaalaman tungkol sa Islam. Tel. (046) 416-3371 o (046) 416-3629 O kayong mga nananampalataya! Iligtas ninyo ang inyong mga sarili at ang inyong mga pamilya laban sa apoy (ng Impiyerno) na ang panggatong ay tao at bato, doon ay may mga (nakatalagang) Anghel na mababagsik at mahihigpit. Sila y di sumusuway, (sa pagpapatupad) sa Utos na kanilang natatanggap mula sa Allah, bagkus sinusunod lamang nila kung ano ang ipinag-uutos sa kanila. Surah At-Tahreem (66:6) 9